Ika-pitumpu't tatlong Kabanata

695 48 11
                                    

"Sorry about this Greg, I promise aayusin ko ito. Don't worry about us here, ako na ang bahala Im with Alf naman eh tutulungan niya ako" rinig ko ang malalim na pagsinghap ni Greggy sa kabilang linya.

"Are you sure? I'll go home na Irene, this Family is much more important than anything kahit itong kompanya pa na ito" wika nito.

"Greg I know you want to go home and help us fix this but hindi ka ba naniniwala na kaya ko itong ayusin?"

"Ofcourse I believe you but---"

"Oh yun naman pala, kaya umuwi ka nalang kung tapos na ang agenda mo diyan okay? I will keep you updated I promise"

"Okay fine, just please update me on time or else I will go home sa ayaw at gusto mo" pagsurrender nito kaya naman napangiti ako.

Hayst Greggy, kailan ka ba nanalo sa akin? Joke.

"Ofcourse I will, take care there. Trabaho ang asikasuhin at huwag ang ibang babae, malilintikan ka talaga sakin gregorio pag nagkataon" rinig ko naman ang mahinang pagtawa nito.

"Takot ko lang sayo noh, sige na hon I have to hung up this call maya maya ay magistart na ang meeting namin" nagpaalam na rin ako at agad na inend ang call.

Sakto naman na pagkatapos ng call namin greggy ay may kumatok sa pintuan at bumukas ito, pumasok si Luis na kasama si Xandra kaya agad ko silang sinalubong para batiin.

"Im glad na nakabisita ka ulit dito Xandra, its been a while hija we missed you"

"I missed you all also Tita, I just passed by to say hello and check you kasi nabanggit po ni Luis na medyo may problema dito"

"Yeah the two girls especially with Zi, but I will fix it ASAP kundi uuwi ang tito mo kahit di pa tapos ang trabaho niya abroad"

"Where's Zi and Lily by the way? I did not see them pa"

"Oh Zia is in Mama Meldy's house while Lily is in her room, Im sure she will be happy to see you here"

Nagkwentuhan pa kami saglit ni Xandra, binisita muna nito si Lily sa kwarto niya at nagpaalam na rin na aalis na dahil kailangan niyang makauwi before dinner sakanila.

"Are you going home right away after you drove Xandra home or you're going to stay there pa?" Tanong ko kay Luis habang naglalakad kami pababa ng bahay.

"I'll be home agad ma, you need kasama here at baka mamaya mag-away nanaman kayo ni Lily" wika nito sabay tawa, siniko naman siya ni Xandra nang mapansin na hindi ako gaanong natuwa.

"Okay we'll wait you here, magpapadeliver nalang ako ng food natin"

Hinatid ko sila hanggang garage at nang makaalis sila ay dumiretso muna ako sa sala para dun tumambay.

Kaming dalawa lang ni Lily ang natira dito sa bahay pero nagkukulong ito sa kwarto niya dahil buong araw ng hindi lumabas, tinatawag ko naman kanina kaso ang sabi ay lalabas nalang siya kung gutom siya kaya hindi ko na inabala pa.

Swinitch on ko ang tv para kahit papaano ay may gawin ako. Lagpas isang oras rin akong nanonood nang makarinig ako ng mga yapak sa hagdanan kaya lumingon ako at nakita ko si Lily na pababa.

Nakasleepwear na ito, napalingon siya sa akin at nakitang nakatitig ako sakanya kaya nginitian ko nalang ito ng tipid.

"Are you hungry? I did not cook our dinner magpadeliver nalang tayo you want?" malakas na wika ko para marinig niya dahil hula ko ay nasa kitchen na ito.

"You decide" wika niya rin sapat na boses para marinig ko.

Agad na akong tumawag sa isang restaurant para magpadeliver dahil alam kong gutom na ito.

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now