Ika-animnapu't pitong Kabanata

630 41 12
                                    

"Zi are you going to get this bag anak?" Tanong ni Mommy kay Zia habang nasa mall kami namimili.

Sabado ngayon at inaya kami ni mommy na magshopping. Hindi namab nakasama sila Daddy at kuya dahil buys ang mga ito sa work nila.

"Is it okay mom?" Tanong ni Zia.

"Sure anak, I saw your duffle bag and its kinda old na rin naman. You put it there na sa cart" wika ni mommy kaya agad namang kumilos si Zia.

"What about you Lily anak? Wala ka pa gaanong napipili" wika niya habang inililibot ang paningin.

"Okay na po ako dun sa comforter nung kama ko mom, iyon lang naman po kailangan ko" sagot ko.

"Hay naku lily, kumuha ka ng nga damit mo o dikaya ng bag, don't worry binigay sakin ng dad niyo ang card niya kaya may budget tayo" ngiting ngiting wika nito.

Habang busy sila Zia at mommy na magwindow shopping ay nagring ang phone ko kaya naman nagpaalam muna ako na sagutin ang tawag ni Ma'am Roda.

"Hello po Ma'am? Napatawag mo kayo"

"Itatanong ko lang sana lily kung busy ka ba mamaya? Wedding anniveversary celebration kasi nung pinsan ng Ma'am Perez mo ito nagiimbita ito, sinabihan ko na rin sila Jenny" wika niya.

"Mga anong oras po ba Ma'am?"

"Mga around 6 siguro anak"

"Sige po Ma'am magpapaalam po ako, tawagan po kita mamaya" wika ko sabay paalam sakanya at inend na ang tawag.

"Oh anak who called you?" Tanong ni Mommy pagkabalik ko sakanila.

"Si Ma'am Roda po mommy, iniimbita po ako sa party nung pinsan po ni Ma'am Perez. Pwede po ba akong pumunta?" Tinignan ko si mommy at parang nawala ang galak sa mukha nito pero pinilit parin niyang ibalik ang ngiti sa labi.

"Diba we have to attend a party later also?" Wika niya kaya napakunot ang noo ko.

"Don't tell me you forgot anak? Sinabi namin yan sainyo ng daddy mo kahapon na isa" napakamot ako sa ulo at tumango nalang.

Agad kong kinuha ang phone ko at tumawag kay Ma'am Roda para sabihin na hindi ako makakasama, mukha naman itong nalungkot pero sinabi niya na okay lang at may next time pa.

Hindi na kami gaanong nagtagal sa mall dahil nagbayad na agad sila mommy ng mga pinamili, kumain na rin muna kami sa restaurant at agad na umuwi para makapagpahinga pa dahil may lakad nga kami mamaya.

--------

"Lily anak?" Rinig kong boses ni mommy sa labas ng kwarto ko habang kumakatok sa pinto.

"Pasok po" wika ko naman kaya nagbukas ang pinto at pumasok si Mommy.

"I thought you're sleeping" sabay upo sa gilid ng kama ko.

"Sorry hindi kita napayagan na sumama dun sa ipinapaalam mo na pupuntahan niyong party nila Ma'am Roda, may pupuntahan rin kasi tayo anak eh" mahinahon na wika niya, tumango naman ako at ngumiti.

"Okay lang po yun, nasabi ko na po kila Ma'am Roda na hindi ako makakasama at okay lang naman daw po" sagot ko.

"Your dad is on the way na pauwi, you prepare na at aalis na tayo mamaya" wika niya kaya naman tumango ako.

Nagpaalam na si mommy na lalabas ng kwarto ko at naghanda na rin naman ako ng sarili para hindi mahuli.

-------

Saktong 6:30 ng gabi nang makarating kami sa event, maraming tao at ang isang maluwang na hall ay halos pinalilibutan ng mga sosyalin na mga personalidad.

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now