Ika-siyamnapu't dalawang Kabanata

750 39 11
                                    

"Good Morning Mom, Dad Let's eat na po dali" wika namin ni Zia habang ginigising sila Mommy at Daddy

"Hmm, 5 more minutes girls please" wika ni mommy at nagtalukbong ng kumot

"Dad gising na, kain na tayo. Anong oras na oh" patuloy na paggising ni Zia. Ilang sandali naman ay nagising na rin si daddy.

Dumiretso muna ito sa Bathroom nila para siguro maghilamos. Agad naman kaming sumampa sa kama nila mommy para ito naman ang gisingin.

Ilang sandali pa ay lumabas na si daddy at fresh na ito, lumapit ito sa amin at hinalikan kami sa noo.

"Hon wake up na" paggising niya kay mommy.

"Mom we're hungry na, puyat ba kayo?" Wika ko, natawa naman si Zia.

"Hay nako magagalit nanaman ang mommy mo niyan Vianne" wika ni dad

"Why? Im just asking if you guys are puyat noh"

"Irene wake up na" wika naman ni Zia sabay tawa

"Anong Irene ha? Ito na po gigising na Mommy Zia" sarcastic na wika ni Mommy.

Bumangon na nga ito at naghilamos na rin sa bathroom nila. Pagkalabas nito ay isa isa niya rin kaming hinalikan at sabay sabay kaming nagtungo sa dining.

Nagulat ang mga ito nang makitang may nakahanda ng almusal sa lamesa

"Maaga kaming nagising ni Zia eh so we prepare our breakfast na" wika ko.

Tuwang tuwa naman ang mga magulang namin kaya agad na kaming naupo para kumain.

"Nga pala uuwi na ang Kuya Luis and Kuya Alfie niyo"

"Talaga Mom? When?" Excited na tanong ni Zia

"Tuesday anak"

"Kasama po si Ate Xandra?" Tumango naman sila ni daddy.

"What are your plans for today girls? May mga lakad ba kayo?"

"Pwede po bang lumabas tayo?" Tanong ko

"Please Mom, daddy you have meetings today?" Wika naman ni Zia

"Wala naman gaano anak, bukas nalang ako papasok kung ganun" wika ni dad kaya napapalakpak kami sa saya.

"Eh san naman tayo pupunta?"

"Kahit saan basta kasama kayo" wika ni Zia natawa naman ako

--------

"Trust me Zi masarap dito. Dinala na kami ni Vianne dito nakakain na kami rito ng daddy mo" wika ni Mommy habang naglalakad kami patungo sa paresan na kinainan namin nun.

"Malayo pa ba Vianne? Naku isure niyo na masisiyahan ako sa kakainin natin" wika ni Zia natawa naman kami

Nang makarating kami sa paresan ay agad na natuwa si Nanay nang makita ako. Lumapit ako sakanya at binati siya.

"Nay sila Mommy at daddy ko nga po pala tas kapatid ko po si Zia. Nakakain na po sila dito dati nay" wika ko

"Naku Lily Masayang masaya akong makita ka ulit, teka sila ang totoo mong magulang? Ibig bang sabihin--"

"Oho nay, pero wag nalang po kayong maingay kasi po alam niyo na private life po ang gusto ni mommy"

"Kaya pala simula bata ka ay kutis mayaman ka na anak, talaga palang mayaman ang pamilya mo"

"Naku si nanay naman, paorder na ho kami ha?"

"Osige hintayin niyo nalang at saglit lang ito"

Nang iserve na sa amin ang order namin ay tinignan ko ang mga reaction nila lalo na si Zia. Agad akong napangiti nang makitang natutuwa ito habang kumakain.

Path of a Lost FlowerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora