Ika-walumpo't siyam na Kabanata

675 38 14
                                    

"Is it really okay na makipagkita po ako sakanila? Baka po you want me to join you rin kasama sila Tita Dawn" ulit na tanong ko kay Mommy habang papalapit kami sa BGC

Nakita kong natawa si mommy at napairap pa ito, mukhang nakukulitan na ata sa paulit ulit na tanong ko

"Vianne anak its fine okay? We're all fine na, basta ba promise mo kay mommy na you'll update me always" agad akong tumango at yumakap sakanya

"I will mom, I promise" wika ko.

Ilang sandali pa ay huminto na ang sasakyan namin dahil hindi naman ako sa mismong BGC pupunta, sa cafe lang malapit sa BGC ang napagusapan nila mommy at Ma'am steph na pagkikitain namin

"You messaged me kung susunduin kita or sila ang maghahatid sayo ha? I love you, you take care love" malambing na wika ni Mommy sabay halik sa pisngi ko

"Opo ikaw rin po, send regards to Tita Small and Dawn. Take care mom" wika ko naman din at bumaba na ng sasakyan.

Naglakad na ako papasok ng Cafe Restaurant at agad kong nakita sila Jenny kasama si Rico at Dave sa may pinakadulong mesa.

Excited akong lumapit sakanila kahit na inaasahan ko ng uulanin ako ng pagalit dahil sa ginawa ko

"Walanghiya ka, alam mo bang guiltyng guilty kami na hindi namin masabi sabi kung nasaan ka dahil kahit mismo kami hindi namin alam" reklamo ni Jenny matapos naming nagbatian.

"I promised na babalik ako noh"

"Yeah, glad that you didn't break your promise" wika naman ni Rico.

"How are you?" Tanong naman ni dave.

Dati rati kapag tinatanong ako kung kamusta ako ay napapangiti ako ng mapait at kusang natutulo ang mga luha ko, pero ngayon isang ngiting walang halong pait ang iginawad ko sakanila

This time nararamdaman ko na yung genuine happiness na sinasabi nila

"Maayos na ako, unti unti ng naaayos ang lahat" simpleng sagot ko, sabay sabay silang tumango at nangiti rin sa naging sagot ko.

Nagkwentuhan lang kami habang hinihintay sila Mam Perez, pinagkwento nila ako nung tungkol sa mga pinuntahan ko at kung saan raw ako nagtago.

"They're here" wika ni Rico kaya napalingon kami sa entrance at nakita kong naglalakad na ang tres marias habang papalapit sa amin.

Bumati muna ang mga ito sa aming apat bago itinuon ang pansin sa akin.

Nagsign ako ng peace dahil alam kong hindi nila gusto ang ginawa kong paglayo, pero as usual wala naman silang magagawa dun dahil tapos naman na.

"Such a hard-headed young lady, don't do that again Lily mamamatay ako sa nerbyos eh" wika ni Steph

"Kaya pala ang bilis mong nakauwi ng Pinas mam" biro naman ni Jenny sabay tawa nila

"All for this girl, hindi rin ako mapapakali eh kaya better to go home muna para kahit papaano kumalma ako" wika niya. Napangiti naman ako dahil dun.

Kahit kailan talaga hindi siya pumapalya na iparamdam sa akin na mahalaga ako sakanya. Ginawa niyang Makati to Manila ang Pilipinas to London sa sobrang bilis umuwi pag ako na ang pinaguusapan.

"I love you steph, thank you always making me feel special and loved" seryosong wika ko. Lumamlam naman ang mata nito at halatang natouch sa sinabi ko kaya inasar siya nila Ma'am Yen

"Che! You love me pala pero simula nung umuwi ka ay hindi mo man lang kami cinontact kahit isa sa amin" pakunwaring tampong wika niya

"Sus, tampo na kayo niyan? Sinulit ko lang pagpapamiss noh" wika ko naman

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now