Ika-animnapu't isang Kabanata

843 49 7
                                    

"Luis Hurry up! Ikaw nalang ang hinihintay, napakatagal mo talagang kumilos" reklamo ni Ms habang hinihintay namin si Kuya Luis.

Ngayon ang flight namin pabalik ng Manila, ayaw pa sana nilang umalis pero kailangan dahil balik skwela na bukas na isa.

"Heto na mommy, ang sungit mo nanaman" natatawang wika ni kuya habang bumaba ng hagdan.

Nagsitayuan na kami at dumiretso na sa labas para sumakay ng sasakyan patungong airport.

"You okay there lily?" Tanong ni Ms pagkasakay namin, tumango naman ako at ngumiti.

Habang nagb-biyahe kami ay panay ang kwentuhan at tawanan ni kuya Luis at Kuya Alfie, sinasabayan naman ito ni Zia minsan at ako naman ay pangiti ngiti lang.

"Tumigil na kayo, daig niyo pa ang bata sa kakulitan niyo" saway ni Mr. Araneta.

"Aba aba, pag ang daddy niyo ang sumaway tahimik agad, pag ako naman inaasar niyo ako pabalik" wika ni Ms kaya tumawa sila.

Hindi nagpaawat sila kuya alfie sa pagkikwentuhan at hanggang sa makarating kami sa airport ay tumatawa parin ang mga ito.

Saktong pagdating namin ay tinawag na ang flight namin kaya naman agad na kaming dumiretso sa loob.

"Kuya ako diyan" wika ni Zia kay kuya Luis na nasa bandang bintana.

"Ako dito Zi, katabi ko si Kuya alfie at may paguusapan kami"

"Pero gusto ko sa bandang bintana" reklamo niya.

Agad namang napatingin ang mag-asawang Araneta na kanina pa nakaayos ng umupo sa harapan nila Kuya Alfie.

"You can occupy my seat, dito nalang ako sa tabi" wika ko, napatingin sa akin si Zia bago ngumiti sa akin.

Nang makaayos na ito ng upo ay umupo na rin ako sa gilid niya.

"Thankyou" mahinang wika niya kaya naman napatango ako at napangiti ng kaunti. Hindi kami gaanong naguusap ni Zia, actually sa lahat bihira lang ako makipagusap na kwentuhan parati lang akong nakikisama sakanila, nakikinig sakanila pero hindi gaanong nagsasalita. Medyo nahihiya pa kasi ako at wala naman akong alam sa iba nilang pinaguusapan.

Sosyal momints.

Dalawang araw palang simula nung bumalik ako sakanila, masasabi ko na may improvement naman ang mga relasyon namin bilang pamilya.

Minsan nakakapanibago parin lalo na pag iniisip ko na tunay ko silang pamilya pero kailangan ko ng masanay dahil ito ang dapat.

"Zi, Lily sabihin niyo kung may gusto kayo or kailangan okay?" Wika ni Ms sabay tingin sa seat namin, tumango naman kami.

-------------

"Oh Lily ang aga mong nagising, ako na diyan jusko kang bata ka" rinig kong boses ni Manang Estela.

"Naku Manang hayaan niyo na po akong kumilos rito matatapos na rin naman po  itong niluluto ko" wika ko sabay ngiti.

"Trabaho ko iyan eh, tutulungan na kita" wika niya pa kaya naman wala na akong nagawa nang tulungan niya ako.

"Masaya ako na buo na ulit ang pamilya niyo, ang galing talaga ng tadhana noh? Biruin mo yun ikaw pala si Vianne, kaya pala magaan ang loob namin sayo eh"

"Hindi ko rin po akalain na ganito po mangyayari eh, magulo po talaga ang sitwasyon nung time na sinabi nila yung totoo"

"Ang mahalaga maayos na kayo ngayon, alam mo ngayon ko lang ulit nakitang ganyan kasigla sila Irene at Greggy pati yang mga kapatid mo. Para bang bumalik ako sa nakaraan nung panahong maliliit pa kayo" napangiti nalang ako

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now