Ika-Dalawampu't tatlong Kabanata

597 30 5
                                    

"Psst Jenny, gets mo ba kung saan nakuha yung -2?" Bulong ko kay Jenny

"Lumilipad nanaman ba isip mo ha?" Pabiro niyang tanong

"Okay Class any question for this method?" Tanong ni Ms.

Nabigla ako nang magtaas ng kamay si Jenny.

"Yes Jenny, ano iyon?"

"Ma'am wala po akong tanong, pero si Lily po meron" wika niya kaya napalaki ang mata ko nang tignan nila akong lahat.

"Wala bang bibig si Lily at ikaw ang nagsasabi niyan?" Mataray niyang tanong. Tigre talaga toh pag may klase grr.

"Lily stand up, what is your question? Saan ka naguguluhan?"

Dahan dahan akong tumayo, patago ko pang sinipa ang paa ni Jenny makaganti man lang.

"Okay naman po yung way ng solving sa akin Ms but I wonder if saan po nakuha yung -2? Medyo naguluhan na po kasi ako sa part na iyon" wika ko.

"This one?" Tanong niya kaya tumango ako. Inexplain niya ulit kung paano nasolve at naliwanagan naman na ako.

"Nasagot ko ba ang tanong mo? Or you still have questions?"

"Wala na po Ms, malinaw na po lahat. Salamat po" wika ko at bumalik sa pagkakaupo

"Walanghiya ka talaga" bulong ko ulit kay jenny, tumatawa lang naman ito ng mahina.

"Atleast diba nasagot tanong mo?"

"Okay if you all don't have any questions, you may now fix your things and proceed to your next subject. Lily maiwan ka muna saglit" wika nito kaya naman napatingin ako kay jenny.

"Anong meron?" Tanong niya, nagkibit balikat naman ako

"Aba malay ko, pag ito may kaugnay sa pagpapahamak mo sakin kanina malilintikan ka sakin" wika ko

"Hindi yan, baka naman magssorry sa pagaattitude niya sayo kagabi" wika nito, naikwento ko kasi sakanya yung nangyari kagabi sa bahay nila.

"Sus i don't think so. Mauna ka na sa next sub, babalitaan kita"

"Tama yan, osigee bye girl"

Nagsilabasan na ang mga kaklase ko sa room at ako lang ang naiwan. Lumapit ako sa may desk ni Ma'am at naupo sa may harap nito.

"Ms bakit po?" Mahinang wika ko.

Tinignan ako nito at maya maya ay nag-abot ng bento box sa akin

"Para saan po ito?" Tanong ko.

"Peace offering?" Mahinahong wika niya

"Im sorry for what I did last night"

Natahimik nalang ako

"Sorry na Lily, Take this na. I personally made this Chicken Pasta and Salad sandwich for you, bumangon pa ako ng super aga para lang gawin yan" nakangiti niyang wika.

"Thank you for the effort Ms pero hindi ka na po sana nag-abala" wika ko, nawala naman ang ngiti nito

"But sure po titikman ko po ito at mukhang masarap" wika ko. Rupok mo talaga Lily.

"Lily I know na nagtatampo ka parin, please let me make it up to you"

Tumango nalang ako at di na umimik dahil ayaw ko ng humaba pa ang usapan namin.

Hindi pa nga naaayos yung tampuhan namin, nagkaroon nanaman dahil sa nangyari kagabi.

"Mauna na po ako sa next class ko Ms. Salamat po ulit dito" wika ko sabay lakad paalis ng room.

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now