Ika-Tatlumpu't dalawang Kabanata

513 35 7
                                    

"Canned goodz check, eggs meron na, biscuits milks meron na rin. Ano pa ang kulang?" Tanong ko sa sarili ko habang chinecheck ang mga pinamili ko bago bayaran.

"Okay na siguro toh" wika ko at tinulak na ang cart papuntang cashier. Ipinila ko muna ito at habang naghihintay ay may nakabunggo sa aking babae. Nalaglag pa yung gamit na hawak niya kaya naman agad akong yumuko para pulutin iyon.

"Naku Ma'am Sorry p----" napahinto ako nang makita kung sino yung babaeng iyon.

"Lily?" Napangiti naman ako at iniabot sakanya ang gamit niya

"Tita Imee, hello po" bati ko.

"Lily? Its you nga! How are you na hija?"

"I am good po, ikaw po?"

"Maayos rin ako, I am happy to see you again"

"Masaya rin po akong makita ka ulit Tita. sige po baka hinahanap na po kayo ng kasama niyo"

"Pinapaalis mo na ako? Don't worry Im not with Irene nor Zia. Atsaka diba I told you hindi nila ako mapipigilan kung gusto kong mapalapit parin sayo" nakataas kilay na wika niya, natawa naman ako dahil nagsusungit nanaman siya.

"Oo na po Tita, naninigurado lang po. Ayaw ko po kasi ng gulo" tumango ito sa akin. Napatingin naman ito sa cart na nasa harapan ko

"Looks like marami kang pinamili"

"Ah dadalaw po kasi ako bukas sa orphanage tita"

"Really? Can I come? Please please"

"Hindi po ba magagalit si---"

"Lily I told you na pinagsabihan ko na sila about diyan"

"Kung wala po kayong gagawin sige po, imessage niyo po ako bukas"

"Osige hija, sige I'll go ahead na ha? Ill call you tonight or tomorrow morning" paalam niya sabay alis na.

Sakto naman na turn ko na sa pagbabayad kaya naman pinapunch ko na mga pinamili ko at binayaran.

Lagpas 3 weeks na ang nakalipas simula nung nagkaroon ng gulo sa Ilocos. Hindi ko alam ang gagawin ko nun at mabuti nalang dinamayan ako ni Tita Imee.

Flashback:

"--Sorry po sainyong lahat. Nakagulo pa tuloy ako di ko naman po sinasadya. Aalis na po ako, pasensya na po ulit" umiiyak na wika ko at tumakbo papalabas ng mansion nila.

Iyak ako ng iyak dahil sa masasakit na salitang binitawan ni Ms. At dahil rin sa kahihiyan.

"Lily! Lily! Wait for me hija" rinig kong sigaw sa may likuran ko. Lumingon ako at nakita ko si Tita Imee na tumatakbo rin at hinahabol ako.

"B-bakit pa po kayo sumunod sa akin? Aalis na po ako Tita, pasensya na po sa gulong nangyari hindi ko naman po yun ginusto"

"No lily, you're not going anywhere unless you're with me. Hindi kita pwedeng pabayaan dito. Maguusap tayo okay?" Umiling ako

"Tita bumalik na po kayo ron, please po. Ayaw ko na po ng gulo, masyado na pong masakit" iyak ko. Naramdamab ko nalang na niyakap ako ni Tita Imee sa gitna ng kalsada habang umiiyak ako.

"Hindi na ako babalik dun. Come with me at iuuwi kita sa bahay ko. Please lily, baka mapahamak ka kung papabayaan kita ditong mag-isa" wika niya habang nakayakap sa akin.

"Mommy sumakay na kayo, we're going home" rinig naming wika pagkahinto ng sasakyan sa tapat namin. Tinignan namin kung sino yun at nakita sila Kuya borgy, kuya matt, kuya Mike at Tito Rod na nasa sasakyan.

"What? Ano pang hinihintay niyo mommy? Sakay na at uuwi tayo sa bahay" wika ni kuya borgy, agad na tumango si Tita Imee at inalalayan ako pasakay sa sasakyan.

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now