Ika-Dalawampu't Isang Kabanata

559 25 17
                                    

"What? Are you sure about that? I know that girl and I don't think she can do this" angal ko pagkasabi sa amin kung sino ang naglagay ng paper sa bag ni Lily.

"But you also know Lily Ma'am Irene, mas malapit ka pa nga sa bata bakit kung ipagpilitan mong siya ang may kasalanan ay parang sigurado ka?" Sabat ni Ma'am Yen kaya natahimik ako.

Kaya nga nagiingat na ako sa mga kinikilos ko ngayon eh, kasi ayaw ko ng maulit pa ang nangyari sa amin ni Lily. Ayaw ko ng magconclude agad ng hindi nakakasigurado.

"You may continue" wika ni Mr. Principal sa Investigator.

Lumapit ang lalaki at inilatag sa mesa ang mga litrato kung saan nakuhanan sa tagong cctv ng canteen kung saan nakita ang paguusap ni Emily at Patricia.

"Natagalan po ang pagiimbestiga dahil wala ni isang studyante ang nakita sa cctv footage na pumasok sa admin"

"So what is the connection of these two ladies in this matter?" Ma'am Yen asked.

"This girl" itinuro ang litrato ni Emily.

"Talked to me with Ma'am Roda kaninang umaga, and she told us everything. Kaya napagdugtong dugtong na namin ang mga nangyari" wika nito.

"Ms. Emily wants to keep this as a secret, ayaw niyang malaman ni Patricia na nilaglag niya ito dahil nagguilty siya na matatanggal si Lily sa scholar kung di pa sila umamin" wika ni Ma'am Roda

"Keep this as a secret? And why would we do that? Kung si Lily ang may kasalanan super lantad pero kung sila secret? Di ako papayag dun" reklamo ni Ma'am Yen.

"Paano nila nakuha ang answer sheet sa admin?" Tanong ni Principal

"According to the girl Emily, nilapitan raw siya ni Patricia hawak na ang papel. She asked her where did she get it at ang sagot nito sa isang staff na nagddistribute ng papers sa mga room"

"Tinawag namin ang tinutukoy na staff at kinausap, sinabi nito na nagmagandang loob ang batang patricia na tulungan siyang magbuhat at pumayag ito siguro ay dun na rin kinuha ng bata ang papel"

"Nung natunugan nila Patricia na may protocol na iccheck ang mga bag before going home ay umiyak ito at nagmakaawa kay Emily na tulungan siya, as a bestfriend ayun tinulungan niya ito at patagong nilagay sa bag ni Lily ang papel" wika pa nito.

"I knew it, so Lily proves us that she is innocent. Na biktima siya rito at walang kasalanan"

"Can you call her to go here Ma'am Yen? Ma'am Irene kindly call the two ladies and we'll talked about this immediately" utos ni Mr. Principal. tumango kami at tinawag ko sila Emily sa room while Ma'am Yen called Lily.

--------

"What are we going to talk about Ms?" Tanong ni Patricia habang naglalakad kami papuntang office.

As much as possible ay hindi na ako nagsasalita dahil baka kung ano pang masakit na salita ang mabitawan ko sakanila. Gumawa sila ng gulo, and worst may napagbintangan ako dahil sa kagagawan nila.

"Just follow me, no more questions dahil sa office tayo maguusap" wika ko at nauna ng lakad.

"Pagkarating namin sa office ay nadatnan namin sa lounge area ang staff, ang investigator at Ma'am Roda na kausap si Principal.

"Maupo kayo"

"Hinihintay nalang si Lily, sinundo ito ni Ma'am Yen sa gate" wika ni Ma'am Roda.

Minutes passed at dumating na ang dalawa. Tinignan kong mabuti si Lily at mukhang pumayat ito. Nakayuko itong pumasok kasabay si Ma'am Yen na nakaakbay sakanya.

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now