Ika-limampu't siyam na Kabanata

671 52 26
                                    

-ALFONSO-

"Hello Bro where are you? Hinahanap ka ni Mommy" wika ni Luis pagkasagot ko ng tawag niya

"Im here at pagudpud, why? Any update kay Lily?" Tanong ko.

"Nagbakasyon raw and ayaw ipasabi kung saan"

"How's mom and dad then?"

"Ayun Mommy is locking herself at their room again while dad is stressed on how to handle the situation"

We both sighed.

"Okay Im going home there we'll just eat our lunch first"

"Okay okay, we'll wait you here at our house not in Lola's okay?"

"Wait what do you mean?"

"We're here in Ilocos also kakarating lang namin an hour ago"

"Oh I see, okay wait for me there" wika ko at nagpaalam na bago iend ang tawag.

"You okay bro?" Tanong ng isang kaibigan ko while sipping at her drink.

"Yeah just have a little problem at our house" sagot ko.

Napagpasyahan na naming kumain sa restaurant dahil mag-aalauna na rin.

Pagkatapos naming kumain ay aalis na sana ako pero may napansin akong babae na pumasok sa restaurant.

Lily?

"Let's go bro, diba uuwi ka na?"

"Mauna na kayo may titignan lang ako saglit" wika ko naman kaya nauna na sila sa villa na inoccupy namin.

Simple lang akong nakatingin sa babae at masasabi ko na si Lily talaga yun. Should I call mom and dad?

Pero ayaw niyang ipasabi kung nasaan siya meaning ayaw niyang maisturbo siya baka mas lalong lumayo kung sakaling tawagin ko sila mommy.

Mabilis lang itong kumain at agad na lumabas ng restaurant. Pasimple ko itong sinundan, nang maglakad lakad ito ay hindi ko na siya sinundan hinintay ko nalang siya sa isang cottage na malapit sa cottage niya.

Halos dalawang oras din itong nawala bago makabalik, papalubog na ang araw at umupo na siya sa buhanginan. Niyakap niya ang tuhod niya habang nakaharap sa dagat.

It took me more than 20 minutes to decide kung lalapitan ba siya o hindi. I want to talk to her dahil alam kong mabigat rin ang pinagdaraanan nito.

"Ang unfair ng buhay. Gusto ko lang naman sumaya" bulong niya habang nakatingin sa malayo, hindi na nga niya ako napansin na lumapit sakanya

"Can I sit here beside you?" Wika ko kaya agad siyang napalingon sa akin. Napansin ko ang mga butil ng luha sa mukha niya.

"Kuya Alfonso?" Gulat na tanong niya nang makita ako at agad na pinunasan ang mga luha niya.

"P-pwede bang tumabi?" Tanong ko, nagaalanganin pa itong sumagot pero tumango rin kinalaunan.

Umupo ako sa tabi niya at niyakap ko rin ang tuhod ko. Pareho kaming nakatanaw sa malayo habang nakaharap sa dagat at lumulubog na araw.

"Ano hong ginagawa niyo rito? Paano niyo po nalaman na nandito ako?" Mahinang tanong niya

"I didn't know that you're here, my friend invited me here so I came. Was about to go home after eating our lunch but I saw you" sagot ko. Kita ko na tumango ito.

"We've been looking for you and I didn't expect na dito ka sa Ilocos pupunta"

"Sorry po" mas mahinang wika niya. Napatingin ako rito at nagsisibagsakan nanaman ang mga luha niya.

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now