Ika-tatlumpu't siyam na Kabanata

630 36 45
                                    

"Asan ako? Teka bakit nakatali ako? Pakawalan niyo ako, Tulong Tulong!!!" Sigaw ko habang pilit na tinatanggal ang tali sa kamay ko.

"Oh gising ka na pala" wika ng isang lalaki habang lumalapit ito sa akin.

"Nasaan ako? Ano ang kailangan niyo sa akin? Pakawalan niyo na po ako" naiiyak na wika ko.

"Tulong Tulungan niyo ako!" Sigaw ko

"Kahit magsisisigaw ka diyan buong araw buong gabi, wala paring makakarinig sayo" nakangising wika nung lalaki

"Pakawalan niyo 'ho ako" nagmamakaawang wika ko

"Chill ka lang hija, papakawalan ka rin naman namin. May sasabihin lang kami" wika nito at pangisi-ngisi pa.

Halos manginig ako sa takot nang magsidatingan ang ilan pang lalaki at may nakasukbit na baril sa gilid nila.

"Ano 'hong kailangan niyo? Wala kayong mapapala sa akin kung pera, wala akong pamilya"

"Hindi pera ang hanap namin pero nabanggit mo na kung ano, yung pamilya mo. May kailangan kami sa pamilya mo"

"Pamilya ko? Wala nga akong pamilya, patay na sila. Kung may kailangan kayo sakanila nasa langit na sila sundan niyo sila dun"

"Aba pilosopo ka ah, gusto mo bang ikaw ang sumunod ha?" Mainit na ulong wika nung isa sabay kuha sa baril niya kaya natahimik ako at umiyak nanaman.

"Kalmahan mo pre"

"Pilosopo eh, isunod na kaya natin ito?"

"Tigil!" Wika nung isa na parang boss nila. Ngumisi ito at lumapit sa akin.

"Kung ayaw mong masaktan sabihin mo sa amin kung saan nakalagay ang mga documentong naiwan ng daddy mo"

"Wala akong alam diyan"

"Saan niyo tinago ang mga dokumentong naiwan ng tatay mo? May kailangan kaming makuha dun"

"Wala nga akong alam ano ba! Sa tingin niyo ba sa gulang na limang taon alam ko kung nasaan ang mga iyan? Napakabata ko pa nung nawala sila"

"Alam namin"

"Teka-- kayo ba ang may sala sa pagkawala ng daddy ko?" Umiiyak na tanong ko.

"Mga walang hiya kayooo, mga walang puso! Bakit niyo ginawa sa daddy ko yun? Ang sasama niyo!" Umiiyak na sigaw ko habang pumipiglas sa tali.

"Antaas taas din kasi ng tingin ng daddy mo sa sarili niya, kinukuha lang namin yung nakalap niyang ebidensya sa amin pumapalag pa ayun pinalagan namin kaya kasama niya na si San Pedro" natatawa pang wika nung isa.

"Mga hayop! Ang sama niyo, kahit siguro si Satanas matatakot sainyo pag nakaharap kayo. Mga demonyo!" Sigaw ako ng sigaw sakanila bigla akong sinampal nung isang lalaki.

"Tumahimik ka kundi hindi yan lang aabutin mo sa amin"

"Pakawalan niyo na ako rito! Ayoko na rito. Tulong tulong!" Sigaw ko pa pero tinapalan nila ang bibig ko ng masking tape.

"Ayan at ng di kami mabingi sa boses mo. Hintayin mo ang tiyang mo, papakawalan namin kayo pag nadala niya yung dokumentong hinahanap namin" wika nung isa.

Mas lalo akong umiyak sa sobrang takot na pati sila tiyang ay madamay.

Kahit ako nalang, wag na yung mga mahal ko sa buhay.

----------

-IMEE-

"Ano bonget matagal pa ba tayo? Wala bang ibang daan diyan?" Nagmamadaling wika ko, kinakabahan ako para kay Lily.

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now