Ikalawang Kabanata

701 33 0
                                    

"Magandang Umaga po Aling Nena! Pabili po ako ng dalawang skyflakes at isang sachet ng Milo"

"Oh Lily, mukhang tinanghali ka ata ng gising mo. Wala ka bang raket ngayon?"

"Wala po, bukas nalang po ako raraket ulit may lakad po kasi ako ngayon eh"

"Ah saan ba ang lakad mo? Nako ikaw ha, baka mamaya nakikipagdate ka na. Lagot sa buong baranggay ang manliligaw mo kung nagkataon" sabay abot sa akin ni Aling Nena ng mga bibilhin ko

"Ikaw talaga aling Nena kung ano-ano ang iniisip mo. Kila Ma'am Perez ang lakad ko, mamayang gabi na kasi ang flight niya eh" malungkot na wika ko

"Ay ganun ba? Huwag ka ng malungkot diyan alam mo naman na mabilis nalang ang communication ng mga tao ngayon kahit pa magkalayo"

"Opo pero iba parin po talaga pag nagkikita, sige po bukas nalang po ulit tayo magchikahan at kailangan ko ng magprepare"

"Oh sige Lily, Mag-iingat ka ha"

-------

"Kanina ka pa tahimik Lily hindi ako sanay anak" wika ni Ma'am Perez habang nasa biyahe kami papuntang Mall of Asia kasama sila Ma'am Yen at Ma'am Roda.

"Anong expect mo? Na magiingay yan? Na excited siya na ihatid ka sa airport?" Wika ni Ma'am yen sabay tawa nila ni Ma'am Roda.

"Lily napagusapan na natin toh diba?" Tumango nalang ako at ngumiti.

Ilang minuto ang tinagal pa namin bago makarating sa Mall of Asia. Napagpasyahan kasi nila na pumasyal muna rito habang naghihintay ng oras ng flight ni Ma'am Perez. Gabi pa ang alis niya kaya may kalahating araw pa kami para mamasyal.

Pangalawang beses palang akong nakapunta rito, una ay yung sumama kami sa airport kay Ma'am Yen nung pumunta siyang Palawan. Malapit talaga ako sakanila dahil tuwing may gala sila ay hangga't maaari kinakaladkad nila ako para makasama sakanila.

"Nagugutom ka na Lily? Kumain na muna kaya tayo hindi pa nag agahan itong batang ito oh" wika ni Ma'am Roda habang naglalakad kami sa loob ng MOA

"Pakibantayan niyo itong anakis ko kayong dalawa ah, ngayon palang eh hindi na kumain paano pa sa mga susunod na araw. Wala ng magpapaalala sakanya na kumain"

"Opo Madame, kami bahala sa batang ito. Kakagatin ko na talaga pisngi mo kung nagpalipas ka pa ng kain"

Naglakad lakad lang kami at napunta sa SM Mall of Asia, dito na namin napagpasyahan kumain. Kahit papaano ay napawi ang lungkot ko dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin dahil sa bawat pinupuntahan namin ay ako ang tinatanong nila. Para talagang tunay na anak kung ituring nila ako.

Namili sila Ma'am ng mga gamit na nagustuhan nila at binilhan rin ako ni Ma'am Perez ng damit, ayaw ko muna sana pero nagpumilit siya kaya tinanggap ko nalang

Nang malapit ng lumubog ang araw ay dali dali kaming nagpunta sa seaside para tignan ang sunset.

"Ang ganda talaga ng sunset" bulong ko habang nakatitig lang sa magandang kulay ng kalangitan habang palubog ang araw.

Isa ang sunset sa pinakagustong-gusto kong tinititigan dahil isa ito sa nagpaparamdam sa akin na hindi lahat ng pagtatapos at pagkawala ay pangit, minsan nagbibigay ito ng kagandahan para sa buhay natin.

"Ang ganda mo talaga Lily" wika ni Ma'am Roda sabay pakita sa akin ng picture ko na kinunan niya, napangiti naman ako dahil dun.

"Salamat Ma'am"

"Let's take a pic, dahil matagal tagal nanaman ang hihintayin bago tayo magkaroon ng susunod na litrato" wika ni Ma'am Perez at nagpafavor sa isang babae na kunan kami ng litrato.

Path of a Lost FlowerUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum