Untold Five: The Silver Weapon

964 50 0
                                    

Larton Village.

Halos lahat nang naninirahan sa village na ito ay half-witches. Kilala nila ako bilang miyembro ng squad ni Elveena kaya naman noong mamataan ako ng head chief ng Larton Village, agad niya akong binati at niyaya na dumaan muna sa bahay nila.

"Let's start our mission now. Aradia, supervise them. Huwag niyong pababayaan ang mga bagong miyembrong maglibot sa village mag-isa. Kakausapin ko lang ang head chief ng village na ito," wika ko na siyang tahimik na ikinatango ni Aradia sa akin. At kagaya nang napag-usapan nila kanina, nahati sa tatlo ang squad ko. Tahimik kong silang pinagmasdan habang nagsisimula sa misyon at noong nawala na ang mga ito sa paningin ko, bumaling na ako sa bahay ng head chief ng Larton Village. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at nagsimula nang kumilos muli.

Tahimik na salas ang bumungad sa akin noong tuluyan na akong nakapasok sa bahay ng head chief. Ipinilig ko ang ulo pakanan at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Zaila?" Mabilis akong natigilan noong marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon. Napangiti na lamang ako at binalingan ito sa kinatatayuan niya. "Oh my God. Ikaw nga!" bulalas nito at mabilis na nilapitan ako. "Kumusta ka na? Balita ko ay may sariling squad ka na sa academy!"

"Maayos naman ako, April, and yes, may sariling squad na ako. Sa katunayan nga'y kasama ko sila ngayon dito sa village niyo," wika ko na siyang ikinatigil naman ni April. Namataan ko ang pagkunot ng noo nito at napabaling na lamang sa may pintuan patungo sa kusina noong lumabas mula roon ang ama niya.

"Maupo ka muna, Zaila. Naghahanda pa ang asawa ko nang makakain natin," wika ng ama ni April na siyang mabilis na ikinailing ko.

"Sir Alberto, huwag na po kayong mag-abala pa. Hindi ako narito para sa bagay na iyan. I'm here because Elveena gave us a mission."

"Mission? In our village?" tanong ng head chief at naglakad na papalapit sa kinatatayuan namin ng anak niya. "May problema ba sa village namin, Zaila?"

"Hindi ba dapat ay ako ang nagtatanong niyan sa'yo bilang head chief ng lugar na ito?" balik na tanong ko sa kanya. "We received a report, Sir Alberto. May iilang evil witch ang namataan sa lugar na ito at sa mga kalapit pang nayon na malapit sa Deepwoods." Hindi nagsalita ang head chief at napabuntonghininga na lamang. Tahimik ko itong pinagmasdan at noong hindi na ulit ito kumibo sa kinatatayuan niya, humakbang ako ng isang beses at pumuwesto sa mismong harapan niya. "Gusto kong sabihin mo sa akin ang kung anong alam mo, Sir Alberto. Totoo bang may mga evil witch na nagtungo rito? Nakalimutan ba nilang sakop pa rin ng Deepwoods Academy ang lugar na ito? Ano ang naging pakay nila at bakit ang Larton Village pa?"

"Zaila-"

"I'm talking to your father as a squad leader, April. Huwag ka munang makisali rito," mariing sambit ko sa kaibigan at umayos nang pagkakatayo. "Kilala mo ako, Sir Alberto. Sa lahat ng squad members ni Elveena noon, ako ang pinakamalinis magtrabaho. Kahit anong tago pa ng evil witch sa akin, mahahanap at mahahanap ko ito. I'm asking you right now because I know I can trust you. Matagal na rin kitang kilala at alam kong kapakanan lang ng mga taga-Larton Village ang inaalala mo. Pero ibang usapan na kapag isang evil witch ang involve rito, Sir. Hindi magbubulag-bulagan ang Deepwoods sa bagay na ito. Tell me, anong alam mo sa mga nangyayari ngayon dito at sa ibang village na nasasakupan namin?"

"Dad, ako na lamang ang magsasabi kay Zaila," ani April na siyang ikinatigil ko. Napatingin ako sa puwesto ng kaibigan at takang tiningnan ito. "Ako ang nakakita sa evil witch na hinahanap niyo. Tingnan mo ito," dagdag pa niya at hinawi ang manggas nang suot na damit. "Ito ang natamo ko dahil sa nangyaring engkwentro naming dalawa."

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis kong nilapitan si April at tiningnan ang braso nitong napapalibutan ng kakaibang itim na kulay. "This is a high-level charm," mahinang turan ko at tiningnan ang kaibigan. "Hindi isang normal na evil witch ang nakaharap mo, April. Tell me... ano pa ang kaya nitong gawin?"

Untold Story of the Last Witch HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon