Untold Fifty-two: The Unfinished Business

616 33 4
                                    

I always wanted to become a powerful huntress. Iyon lang din kasi ang kaya kong gawin noon.

I always wanted to gain more power. To have more knowledge about magic and spells in Utopia.

I always wanted to be useful. Na kahit na maulit sa akin ang nangyari noong sa pamilya ko, kaya ko nang lumaban at ipagtanggol ang mga taong nasa paligid ko.

I was obsessed of being the most powerful being here in Utopia. At kahit na hindi ko man iyon ipinikita sa lahat, alam kong naging makasarili ako noon. It was so selfish that I almost hated myself for being like that. At ngayong may pagkakataon na akong itama ang lahat, I'll give my everything to do what's right. Na kahit maubos siguro ang kapangyarihang mayroon ako ngayon sa katawan ko, hahayaan kong kunin iyon ni Reagan para malamang manumbalik ang kapangyarihan nitong nawala sa kanya sa loob ng isang daang taon.

Selfless? No. It's not like that. Gusto ko lang gawin ang dapat kong ginawa noon pa. Dapat ay hindi ako umalis noon sa gubat. Dapat ay tinulungan ko ito sa laban niya kay Donovan. Dapat... dapat ay hindi ko na pinaabot ng isang daang taon bago bumalik dito sa Utopia.

This is my punishment... I guess. As a former huntress of Deepwoods, I failed to do my duty. I failed to protect them... I failed him.

"Come on!" rinig kong sigaw ni Amelia habang pilit na ginigising ang kapatid nito. "Reagan! Wake up!" sigaw muli nito kaya naman ay napatingin na ako sa kanilang dalawa. Mabilis naman akong inalalayan ni Phoebe noong sinubukan kong tumayo.

"Stay still, Zaila. Mas lalo kang manghihina," anito at hinawakan ang braso ko.

Umiling ako sa kanya. "We need to wake him now. Wala na tayong sapat na oras."

"Ginagawa na iyan ngayon ni Amelia. Manatili ka na lang muna rito, Zaila."

Humugot ako ng isang malalim na hininga at hindi na nagpumilit pa sa binabalak na pagtayo kanina. Itinuon ko ang paningan sa magkapatid na Asteria at noong hindi pa rin nagigising si Reagan, isang malakas na hampas sa dibdib nito ang ginawa ni Amelia sa kanya! Pareho kaming natigilan ni Phoebe sa mga puwesto namin at hindi na nakaamik pa noong muling ginawa iyon ni Amelia sa kapatid! "Please, gumising ka na, Reagan!" sigaw muli ni Amelia. "Utopia needs you know! The Coven is already here! Kailangan ka namin sa labang ito, Reagan!"

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. "He still needs more... more energy," mahinang turan ko na siyang nagpabaling kay Phoebe sa akin. Nanatili naman ang mga mata ko kila Amelia at Reagan at noong makitang wala pa ring nagbabago sa kalagayan ni Reagan, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Marahan kong itinaas ang kanang kamay at nagsimulang mag-ipon ng enerhiya roon.

"What are you doing?" tanong ni Phoebe sa akin. "You're not in a good shape to do that now, Zaila. Baka ikaw naman ang mapahamak niyan! Just wait, okay? Magigising din si Reagan!"

"He still needs more energy," ulit ko sa tinuran kanina. "Kaya kong maibalik sa katawan ko ang mga enerhiyang nawala sa akin ngayon, Phoebe. But your brother... he can't do that now. Kailangan niya ng enerhiyang magpapagising nang tuluyan sa kanya. This is the only way for us to wake him up."

"Pero Zaila-"

"Amelia!" sigaw ko sa pangalan ng prinsesa. Mabilis naman itong bumaling sa akin at gulat na napatingin sa kamay ko. "Lumayo ka muna kay Reagan!" sigaw kong muli sa kanya. Mabilis naman niyang ginawa ang sinabi ko sa kanya at noong tuluyan na itong nakalayo sa kapatid, hindi na ako nagsayang pa ng oras. Mabilis kong ikinumpas ang kamay at pinakawalan ang enerhiyang nasa kamay.

Hindi ko inalis ang paningin sa katawan ni Reagan at noong tumama na rito ang enerhiyang pinakawalan ko, mabilis na yumanig ang buong silid na kinaroroonan namin. Muli akong inalalayan ni Phoebe at noong unti-unting nanlabo ang paningin ko, napamura na lamang ako sa isipan.

Untold Story of the Last Witch HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon