Untold Fifty-one: The Revival

598 35 4
                                    

I've always knew him as one the greatest royals of his generation.

Reagan Asteria. The first born and the crown prince of the current royal family.

Noong nagtratrabaho pa ang ama ko sa pamilya nila, palagi ko itong nakikita na nag-e-ensayo. He was good, no, he was better than the rest of my father's students. Mas magaling din ito sa kapatid ko na si Yuri. Kahit na parehong may dugong royal ang dalawa, still, Reagan Asteria overpowered him. No one can beat him. Alam ng lahat iyon kaya naman noong nagtagpo muli ang mga landas namin noon, naging panatag ako sa presensiya niya.

I trust him and his ability. He's powerful enough to defeat Donovan, the leader of the Coven. Ngunit dahil sa nangyari sa kanya, nang dahil sa akin at sa silver weapon ko, napahamak ito at naging dehado sa laban nila noon ni Donovan.

It was my fault. Aminado ako roon at kahit na sabihin pa nitong aksidente iyong nangyari at wala akong kontrol sa sariling kapangyarihan noon, ako pa rin ang naging dahilan kung bakit natalo ito sa naging laban niya.

And now, just by looking at his current condition, tama lang na sa kanya ko gamitin ang kapangyarihan ng blood moon. Na kahit umabot ako ng isang daang taon kakahanap sa ancient weapon na ito, hindi ako manghihinayang na sa kanya ko gagamitin ang kapangyarihang taglay nito.

He suffered because of me. Narapat lang na tulungan ko ito at ibalik sa kanya ang kung anong nawala sa kanya noong gabing iyon.

"Zaila, about the blood moon... Talaga bang kay Reagan mo ito gagamitin?" rinig ko ang mahinang tanong ni Amelia sa likuran ko.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at binitawan ang walang-buhay na kamay ni Reagan. Umayos na ako nang pagkakatayo at hinarap ang magkakapatid na Asteria. Una kong sinalubong ang matamang titig ni Amelia at tipid na tinanguhan ito. Itinaas ko ang isang kamay at marahang iginalaw ito. "I can only use the power of the blood moon to save him. Hindi ko ito magagamit para matalo mismo si Merlin at ang Coven."

"Pero matagal mo itong hinanap sa Sanctuary." It was Pheobe. Napabaling ako sa kanya at matamang tiningnan ito. "Ayos lang ba iyon sa'yo at sa mga kasama mong witch na kay Reagan mo ito gagamitin? It's an ancient weapon, Zaila. Sampung taon ang hihintayin mo bago ito mahanap muli kapag ginamit mo na ito ngayon sa kapatid ko," pahabol na sambit pa nito sa akin.

"We have the same goal here, Your Highness. At iyon ang matalo si Merlin at ang Coven. Noong una ay buong akala ko'y magagamit ko ang kapangyarihan ng blood moon para tuluyang matalo ang kalaban natin but... I was wrong," sambit ko at binalingan si Asher Asteria na kanina pa tahimik at nakamasid lamang sa amin. "Blood moon is a weapon. It can kill and revive someone... iyon ang nakatalaga sa lahat ng aklat na nabasa ko sa Sanctuary. Ngunit hindi talaga magagamit sa ganoong paraan ang kapangyarihan ng blood moon. It's a weapon, yes, but it can't be used to harm witches."

Namataan ko ang gulat sa mukha ng magkakatapid, well, maliban kay Asher. Mukhang alam na nito ang tungkol sa bagay na ito. Mas mabilis maghanap ng impormasyon ang isang ito kaysa sa akin. And who knows, kaya ito lumapit sa akin dahil alam na nitong hindi ako magdadalawang-isip na gamitin ang kapangyarihan ng blood moon para iligtas at tulungan ang kapatid nito.

"Blood moon was created by our ancestors. Elders and powerful witches of Utopia. At ginawa nila iyon para makatulong sa ating pangalagaan ang mundong ito," muling sambit ko at ibinaba na ang kamay. "Merlin and the rest of the members of Coven are witches. We can't harm them using this weapon but, we can use it to save the crown prince. And with his magic, we can definitely have a chance of winning this battle. Kaya naman ay sumang-ayon na rin ang mga kasamahan ko sa Sanctuary sa desisyong ito. Wala nang iba pang makapangyarihang witch sa henerasyong ito na kayang makipagsabayan sa lakas ng mga miyembro ng Coven. We need him to win, and I will definitely save him using the blood moon's magic."

Untold Story of the Last Witch HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon