Untold Ten: The Best Squad

826 43 2
                                    

Kanina ko pa naririnig ang reklamo ni Raven sa mga kamay niya.

Nagpapahinga kami ngayon sa loob ng training room samantalang lumabas muna ang magkapatid na royal witch. Mayamaya lang ay umayos ako nang pagkakaupo sa sahig at binalingan ang kaibigan na halos sumpain ang silver weapon na gamit nito kanina.

"You need to calm down, Raven," wika ko na siyang ikinabaling nito sa akin. "Alam kong mahirap ito pero kailangan mong matutunan ang basic sa paggamit ng mahika. Clear your mind, okay?"

"I can't clear my mind, Zaila. Kanina pa kumikirot ang mga kamay ko!" bulalas nito na siyang ikinangiwi ko na lamang. Napabaling ako kay Theo at namataan ang pag-iling nito habang nakatingin kay Raven. Tahimik naman si Raine sa puwesto niya habang nakatitig sa mga kamay nitong pareho lang ang kalagayan ng kay Raven. "This is torture! I hate magics!"

"Come on, Raven. This is fun!" ani Theo at tumayo mula sa pagkakaupo nito. "Walang ganito sa Deepwoods. This is all new to us! Hindi lang ikaw ang nahihirapan sa training na ito. Look at Zaila. Kahit na may alam na ito sa mahika, she still trying her best. Don't tell me you're giving up already, dude?" tanong ni Theo na siyang lalong ikinainis ni Raven. Mayamaya lang ay tumawa si Theo at naupo sa tabi ng kaibigan. "This is a piece of cake, Raven. You know that we don't give up on things like this, right? Alam mo kung anong mangyayari sa atin kapag bumalik tayo sa Deepwoods ng hindi nagagawa nang maayos ang misyong ito."

"Elveena will surely kill us," mahinang sambit ni Raine na siyang ikinangisi ko. "Mas malala pa ang matatamo natin kapag sumuko tayo at basta-bastang bumalik na lamang sa Deepwoods."

"Fine!" bulalas ni Raven at tumayo na sa kinauupuan nito. "Oo na't mas nakakatakot si Elveena kaysa sa magkapatid na royal witch na iyon!" dagdag pa niya na siyang ikinatawa ko na lamang. Tumayo na rin kami ni Raine at ipinagpatuloy na ang ginagawa kanina.

To use magic, you need to clear mind first. Concentrate. Feel the energy that surrounds you. Feel and own it.

Ipinikit ko ang mga mata at ipinagpatuloy ang ginagawa. Maingat kong iginalaw ang dalawang kamay at noong unti-unting namumuo ang enerhiya sa magkabilang kamay ko, iminulat kong muli ang mga mata. "Wind," mahinang turan ko habang nasa mga kamay ang buong atensiyon.

Elemental magic. The easiest magic that anyone can use. Ito rin ang sinabi sa amin kanina ni Asher. Halos lahat na nasa Royal Capital ay kayang gumamit ng kahit anong elemental magic. Kahit marahil mga batang witch ay kayang kontrolin ang mga ito. Basic magic. If we really want to hold and use the silver weapon created by Asher Asteria, we need to learn basic magics. At kapag makontrol na naman ang sariling mahika, hindi na kami mahihirapang gamitin ang mga sandatang nasa Royal Capital ngayon.

"This is... freaking hard!" rinig kong sambit ni Raine at mayamaya lang ay napabaling ako sa kanya. Nakaluhod na ito ngayon at masamang nakatingin sa mga kamay niya. "Can I use different element? Sunog na ang mga kamay ko!"

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Phoebe Asteria kanina?" tanong ko at nilapitan na ang kaibigan. Tiningnan ko ang kamay niya at kagaya nang tinuran nito, halos masunog na ito dahil sa mahikang ginagamit niya. "We can't choose an element, Raine. They choose us, not the other way around."

"Fire magic is not my thing, Zaila!" inis na wika nito na siyang ikinangiwi ko.

"You're a hotheaded huntress, Raine. Hindi na kataka-taka na fire element ang unang magagamit mo sa training na ito," ani naman ni Raven na siyang lalong ikinainis ni Raine. At sa isang pagkurap ko lang, mabilis na ikinumpas ni Raine ang kanang kamay sa puwesto ni Raven at bago pa man makagalaw ito sa puwesto niya, mabilis itong tumilapon sa kabilang bahagi ng silid. What the hell?

"Oh my God! Shit! Raven!" sigaw ni Raine at mabilis na dinaluhan ang kaibigan namin. Nagkatinginan naman kami ni Theo at mabilis na kumilos na rin sa mga puwesto namin. Nilapitan naman ang dalawa at agad na tiningnan ang kalagayan ni Raven na ngayon ay nakasalampak sa konkretong sahig ng training room. "I'm really sorry, Raven!"

Untold Story of the Last Witch HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon