Untold Eleven: The Secret Mission

759 37 0
                                    

Sa isang malaking bulwagan kami dinala ng mga taga-silbi ng palasyo.

Pagkatapos ng pagsasanay namin kanina, umalis na rin si Asher Asteria sa training room. Agad naman kaming sinabihan ng mga taga-silbi ng palasyo na maghanda na para sa pagtitipon na gaganapin sa bulwagan kung saan namin makakaharap at makakausap ang hari. At pagkatapos ng ilang minuto, nandito na kaming apat sa tinutukoy nilang bulwagan. Tahimik lang kaming nakatayo sa gilid habang hinihintay ang pagdating ng hari ng Utopia.

"Ito marahil ang unang beses na makikita at makakausap ko ang hari ng Utopia," mahinang turan ni Raven sa tabi ko. "Anong klaseng hari kaya ito?"

"My parents once told me that the current king of our kingdom is intimidating," ani naman ni Raine na siyang nagpatingin sa akin sa bakanteng upuan ng mga miyembro ng royal family na nasa isang entablado ng bulwagang kinaroonan namin ngayon. "He's intimidating but he's a good king. Sa lahat yata nang umupo sa tronong iyan, ang kasalukuyang hari ang talagang lumaban sa Coven. He's wise and knows how to deal against the evil witches of his kingdom."

"I've heard that too," saad naman ni Theo sa puwesto niya. "And he's also blessed with his children. Talagang makapangyarihan ang miyembro ng royal family ng henerasyong ito."

"Kung makapangyarihan sila, bakit kailangan pa nila ang tulong natin?" wala sa sariling tanong ko na siyang nagpatigil sa tatlo. "We're just half-witches. Anong laban natin sa kagaya nilang halos alam lahat ng mahika sa mundong ito?"

"Cause we're hunters and huntresses of Deepwoods, Zaila. That's our job. To hunt and destroy Utopia's enemy," sambit ni Theo na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Alam mo ang kung anong trabaho natin simula pa lang noong pumasok ka sa Deepwoods Academy. This is our sole role here in Utopia. This is the reason why we, hunters and huntresses, exist."

Hindi na lamang ako nagkomento sa tinuran ni Theo. Alam ko naman iyon. Pero may kung anong bumabagabag sa akin ngayon. Yes, I wanted to learn from them, learn magic from the best house of Utopia, but... something's bothering me right now. Hindi ko nga lang matukoy kung ano ito. Damn it! Siguro ay masasagot ang lahat ng katanungang mayroon ako ngayon kung makakausap na namin ang hari ng Utopia.

Ilang minuto pa kaming naghintay sa pagdating ng mga miyembro ng royal family at noong mamataan kong dumating na ang mga ito, mabilis akong napaayos nang pagkakatayo. Ganoon din ang ginawa ng mga kaibigan ko at tahimik na yumukod bilang paggalang sa prensensiya nila.

Mayamaya lang ay pinaayos na kaming muli sa pagkakatayo. Tinawag kami ni Phoebe Asteria at pinapuwesto sa tapat ng entablado kung saan naroon sila. Tahimik kaming sumunod sa nais ng prinsesa at noong nasa tapat na kami ng royal family, mataman kong pinagmasdan ang mga ito.

The king is here with us. Sa tabi nito ay isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay isa sa mga prinsipe rin ng Utopia. Sa gawing kanan naman ng hari ay si Phoebe at Asher Asteria. Nakatingin lang din ang mga ito sa amin at noong magsalita na ang hari ng Utopia, napakuyom ako ng mga kamao ko.

"Welcome to the house of the royals, hunters and huntresses of Deepwoods," anito na siyang tahimik na ikinuyod naming muli. "Kumusta ang unang araw nang pagsasanay niyo rito?" tanong nito na siyang ikinatigil namin. At kagaya nang inaasahan, si Theo na ang sumagot sa hari. He's really the speaker of our group. Mas maayos itong makipag-usap sa iba kumpara sa aming tatlo.

"Maayos naman, kamahalan. Prince Asher helped us a lot today," ani Theo at muling yumukod.

"That's good to hear. Kung may nais pa kayong matutunan tungkol sa mga silver weapon na ginawa ni Asher, don't hesitate to ask him. Siya ang bahala sa inyo," muling turan ng hari at napabaling sa kinatatayuan ko. Agad naman akong napaayos nang pagkakatayo at sinalubong ang titig nito. "You're a huntress too, young lady?" takang tanong niya na siyang ikinatigil ko. "She's a huntress, Phoebe? From Deepwoods Academy?" he asked again while looking at her daughter.

Untold Story of the Last Witch HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon