Untold Thirty-eight: The Unknown and Disturbing Magic

533 33 6
                                    

"Fuck!" mariing mura ni Varnan noong muli itong tumilapon dahil sa naging atake ni Luna sa kanya.

Napailing ako habang nakatingin sa kanya. Come on, evil witch. Stand and fight. Kung hindi mo kayang makalapit sa dalawang half-witch na iyan, isang atake ko lang sa'yo ay natitiyak kong wala ka ng buhay.

Napatingin naman akong muli sa puwesto ni Morgana at talagang nanghihina na ito. She's bleeding out. Mukhang segundo lang ay mawawalan na ito nang malay.

"Morgana, huwag ka munang kumilos. Maupo ka lang muna habang nilalabanan ko itong si Varnan," mariing wika ni Luna at hinarap muli iyong lalaking evil witch.

Napailing na lamang muli ako at mabilis na tumayo sa sanga ng puno. Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Tumalon na ako at walang ingay na inilapat ang paa sa tabi ni Morgana. "Your sister will surely die kung mas uunahin mong kalabanin ang evil witch na iyan," walang buhay na wika ko na siyang ikinagulat ng dalawa. Halos sabay na bumaling ang magkapatid na half-witch sa akin at noong makita kong ikukumpas na sana ni Luna ang kamay patungo sa akin, mabilis akong umiling at itinaas ang kanang kamay.

Segundo lang ay namataan ko ang gulat na ekspresiyon ni Luna. Ipinilig ko ang ulo pakanan at tiningnan ang kapatid niya. "I'm not an enemy. I'm just here to heal your sister... and kill that evil witch after," dagdag ko pa at binalingan si Varnan. Nakatayo na ito ngayon at masamang nakatingin sa puwesto ko.

"Who are you?" mariing tanong ni Luna sa akin at pilit na ikinikilos ang sariling katawan. "Ikaw ba ang kumokontrol sa katawan ko ngayon?"

"I'm not controlling you. I'm just making you stop for a moment." Nagkibit-balikat ako sa kanya at mabilis na ikinumpas ang kamay. Napaatras palayo sa puwesto namin ni Luna at masamang tiningnan ako. "Ikaw na lang muna ang bahala sa evil witch na iyon. And please, do me a favor. Don't kill him." I smirked at her. "Dahil gusto... ako mismo ang papatay sa kanya," matamang wika ko at lumuhod na sa tabi ni Morgana. "I'll use my healing magic. Don't worry. Kagaya nang sinabi ko kanina, I'm not an enemy."

I slowly, I placed my right hand on her waist. Mataman kong tiningnan ang duguan nitong damit at napailing na lamang noong mapagtanto kung gaano kalalim ang sugat nito. "He stabbed you with his sword. Mabuti at nakatakbo ka palayo sa kanya," mahinang wika ko habang ginagamot si Morgana.

"I... I want to stay alive. Hindi ako papayag na mamatay sa kamay niya," nanghihinang wika nito at ipinikit ang mga mata.

"Morgana," tawag ni Luna sa kapatid. Napailing ako at binalingan ito. Segundo lang din ay natigilan ako noong makitang mabilis na kumilos sa Varnan sa kinatatayuan nito. Nakatutok ang dulo ng espada niya kay Luna kaya naman mas binilisan ko ang paggagamot kay Morgana. At noong matapos na ako sa ginagawa, agad akong tumayo at mabilis na hinawakan si Luna. Hinila ko ito palayo sa kinatatayuan niya kanina at bago pa man tumama ang talim ng espada ni Varnan sa katawan ng half-witch, nahawakan ko na ito.

Gulat na napatingin si Luna sa akin at galit na isinigaw ang pangalan ng evil witch na kalaban niya kanina. Napaarko na lamang ang isang kilay ko at mas hinigpitan ang pagkakawak sa talim ng espada ni Varnan.

"Who the hell are you?" mariing tanong ni Varnan at pilit na binabawi ang espada nito. Napangisi ako sa kanya at ipinilig ang ulo pakanan. "Let go of my sword, you witch!" sigaw pa nito at buong lakas na hinila ang espada. Napailing na lamang ako at kusang binitawan ang espada nito. At dahil sa biglaang paghila nito, napaatras si Varnan. He was caught off guard kaya naman ay sinamantala ko na iyon. Mabilis kong inihakbang ang mga paa at sa isang pagkurap nito, nasa harapan na niya ako.

"You don't need to know my name." I said, almost a whisper to him. Ngumiti ako sa kanya at hindi na nagdalawang-isip na itarak sa dibdib niya ang kamay ko. Malakas itong sumigaw at noong hawakan ko ang puso nito, walang sabi-sabi kong hinugot ito.

Untold Story of the Last Witch HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon