Untold Seventeen: The Lord of Coven

705 35 0
                                    

Walang emosyon kong tiningnan ang walang buhay na katawan ni Oliver. Nakatayo lang ako sa gilid nito habang hindi nilulubayan ng mga mata ko ang katawan niya.

Mayamaya lang ay dinisolve ko na rin ang wind barrier na ginawa ko kanina. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at nagsimula nang kumilos. Maingat kong inihakbang ang mga paa patungo sa isa pang evil witch na napatay ko. Dahan-dahan akong yumukod dito at inalis sa dibdib nito ang pagkakatarak ng isa ko pang silver weapon. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at pinagmasdan silang dalawa.

Ngayon ay may napagtanto ako sa naging engkuwentro ko sa kanilang dalawa. Hindi lahat ng miyembro ng Coven ay masama. Hindi lahat ay natural na evil witch. Some are just unlucky... just like Oliver. At kung ganoon ang ginagawa nila sa mga noble family na inatake at sinunog ang mga tahanan, natitiyak kong hindi lang si Oliver ang naging biktima nila.

"Zaila!" Hindi pa rin ako kumibo sa kinatatayuan kahit na narinig ko na ang pagtawag sa akin ni Raven. "Are you okay, Zai?"

"Yeah," wala sa sariling tugon ko sa kaibigan at maingat na binalingan ito. "I think I'm okay."

"Zai," sambit muli nito sa pangalan ko at mabilis na hinila ako papalapit sa kanya. "What happened? Your eyes... umiyak ka ba?"

"I don't know," sambit ko at muling binalingan ang katawan ni Oliver. "I just feel bad killing him."

Naramdaman ko ang pagkilos ni Raven kaya naman ay natitiyak kong napatingin na rin ito sa tinutukoy ko. "Zai, he's an enemy. Huwag mo nang isipin pa ito. Come on, naghihintay na sila sa atin," ani Raven at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako ngunit ipinirmi ko ang katawan ko. Hindi ako kumilos at napatingala na lamang. "Zaila-"

"He was a good friend," turan ko na siyang ikinatigil ni Raven sa paghila sa akin. Muli ako bumaling sa kanya at namataan ang gulat na ekspresyon nito. "He was a noble, a half witch, from the village where I grew up." Hindi kumibo si Raven at matamang nakatingin lamang sa akin. Napabuntonghininga ako at maingat na inalis ang kamay nitong nakahawak sa akin. "Let's go. May kailangan akong sabihin sa mga kaibigan natin at sa dalawang Asteria," muling sambit ko at nauna nang maglakad sa kanya. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang pagsunod nito at tahimik na kaming bumalik sa kung saan kami naghiwa-hiwalay kanina.

Tamang-tama lang na nakabalik na rin si Reagan Asteria at iyong witch na sumunod sa kanya noong dumating kami ni Raven. Maingat akong naglakad papalapit sa puwesto nila Theo at Raine at noong magtama ang mga paningin namin, namataan ko ang pagkunot ng mga noo nila. Hindi sila nagsalita ngunit alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isipan ng dalawa.

They knew me. Sa loob ng sampung taon, kilalang-kilala na namin ang bawat isa. Kahit na may hindi kami pagkakaunawaan, alam namin kung may mali o problema ang isa sa amin.

Napabuntonghininga na lamang ako at tahimik na tumabi sa kinatatayuan ni Raine.

Mayamaya lang ay bumaba na si Reagan Asteria sa sinasakyang kabayo. Seryoso itong naglakad papalapit sa amin. "It was an ambush. Inabangan nila tayo," saad niya at napailing na lamang. Lumapit na rin sa kanya ang kapatid at tahimik na tumayo sa tabi nito. "Mukhang pinaghandaan nila ang pagdating natin ngayon gabi. They were armed and ready to fight."

"Nakausap ko ang isa sa kanila," matamang sambit ko na siyang ikinabaling sa akin ng prinsipe. "The Coven... they're doing something... damn, more evil." Napabuntonghininga akong muli at mariing ikinuyom ang mga kamao. "The man I fought earlier... he was not an evil witch... they turned him to be one."

"What?" gulat na tanong ni Raine na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Are you sure about that, Zaila? Baka naman ay gawa-gawa niya lang iyon para makatakas sa'yo."

Untold Story of the Last Witch HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon