Untold Twenty-six: The Traitor Among Them

650 39 5
                                    

Tahimik kong pinagmasdan ang paligid.

Nahuli na ang lahat ng miyembro ng Coven na naiwan ngayon dito sa Deepwoods Academy. Lahat sila ay nakagapos at halos hindi na rin makagalaw sa puwesto nila. Mukhang epekto pa rin ito sa spell na ginamit ko kanina. Silver weapon is truly their weakness.

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at napatingin naman sa puwesto nila Elveena. Kasama nito ang ibang Senior Squad Captains at ang head huntress namin. Mayamaya lang ay napaayos ako nang pagkakatayo noong bumaling sila sa gawi ko. Hindi ako kumilos man lang noong nagsimula nang maglakad patungo sa akin si Elveena. Nagpatuloy naman sa mga ginagawa nila ang ibang SSC samantalang pumasok na sa gusali si Head Huntress Gerra.

"She wants you to join us later," panimula ni Elveena noong tuluyan na itong nakalapit sa akin. "Deepwoods is not in a good shape right now. Kailangan nating pag-isipang mabuti ang susunod na hakbang para hindi na maulit ang nangyari ngayon." Tumango lamang ako kay Elveena at hindi nagsalita. Nanatili ang mga mata ko sa mga abalang hunters at huntresses sa sentro ng academy. "Zaila." Mayamaya'y tawag nito sa pangalan ko. "What happened? Anong nangyari sa inyo sa Royal Capital at sa misyong ibinigay ng hari ng Utopia?"

Natigilan ako sa naging tanong nito. Binalingan ko si Elveena at malungkot na inilingan.

"Pabalik na marahil sila Raven at Theo. Tsaka ko na sasabihin sa inyo ang mga nangyari kung dumating na ang dalawa."

"And Raine?" She immediately asked me about her. Mukhang ramdam na nito ang kung anong mali naging misyon namin sa Royal Capital. "Zaila, answer me."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. Bago pa ako makapagsalitang muli, agad akong natigilan noong makaramdaman ako ng mga pamilyar na presensiya mula sa main gate ng academy. Wala sa sarili akong napabaling sa gawing kanan at noong makumpirma ko kung sino ang mga iyon, muli kong binalingan si Elveena. "The royals are here. Kasama nila si Raven at Theo," imporma ko sa kanya.

"The royals?" takang tanong nito at mayamaya lang ay nagsitigil ang mga hunter at huntress sa paligid namin at umayos sa pagkakatayo. Ganoon din ang ginawa namin ni Elveena at sinalubong ang mga bagong dating.

The Asteria siblings are here.

Asher, Amelia and Reagan Asteria.

Bahagya kaming yumukod para magbigay galang sa kanila. Naging tahimik ang buong sentro ng academy hanggang sa nagsalita ang isa sa SSC na kasama namin ngayon.

"Nasa opisina na niya ang head huntress. Maaari na kayong magtungo roon," anito na siyang ikinatango lamang ni Reagan Asteria. Nagsimula nang maglakad muli ang dalawang mas nakakabatang Asteria samantalang nanatili naman si Reagan sa kinatatayuan nito. Hindi ko inalis ang paningin sa lalaki. Pinagmasdan ko lang itong tahimik na nagmamasid sa buong sentro at noong magtama ang mga mata naming dalawa, tipid akong tumango sa kanya.

"Zaila!" Napakurap ako at mabilis na nag-iwas nang tingin kay Reagan Asteria. Napaawang na lamang ang labi ko noong makita ang dalawang kaibigan na patakbong lumapit sa akin. "Zaila!" tawag muli sa akin ni Raven hanggang sa tuluyan na silang makalapit ni Theo sa akin.

"What happened here? Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Raven at niyakap ako.

Gumanti ako nang yakap kay Raven at marahang tinapik ito sa likuran niya. "We're okay, Raven. Nahuli na rin namin ang mga miyembro ng Coven na umatake sa academy."

"How about Merlin?" Theo asked me. Humiwalay ako sa yakap ni Raven at binalingan ang isa pang kaibigan. "Kasama ba nila si Merlin sa pagsalakay dito sa academy?"

"Yes, but it was just a clone." Si Elveena na ang sumagot sa naging tanong ni Theo. Napabaling ang dalawa sa kanya at matamang nakinig sa mga sinasabi nito. "Si Zaila ang nakapatay sa clone ni Merlin." She heavily sighed. "Kung siya sana ang totoong Merlin, sana'y tapos na rin ang problema natin."

Untold Story of the Last Witch HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon