Untold Fifteen: The New Moon

700 40 1
                                    

Wala sa sarili akong napabuntonghininga at muling tiningnan ang silver weapon sa kanang kamay ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at muling nanlumo sa kinahinatnan ng sandata ko.

Alam ko namang mangyayari ito pero hindi ko pa rin lubos tanggap na ang pinakaunang sandata ko bilang huntress na ibinigay mismo sa akin ni Elveena ay nagkapira-piraso dahil sa ginawa kong pagsira sa magic circle na iyon. It was a reckless move, but I guess, tama lang din naman ang ginawa ko. Tama lang na isinakripisyo ko ang sandata ko para sa kaligtasan ni Theo.

"He'll be fine. Kailangan niya lang magpahinga." Napabaling ako sa puwesto ng mga kaibigan ko at matamang tiningnan sila. Nakatayo sa gilid ni Theo ang dalawa samantalang nasa tabi nito si Amelia at Reagan Asteria. Mayamaya lang ay inalis na ni Amelia ang kamay nito sa braso ni Theo at maingat na tumayo na. "Dalhin niyo na siya sa kanya silid. Siguraduhin niyong hindi ito magsisikilos. No trainings for him, too. Iba ang naging epekto ng magic circle na iyon sa katawan niya."

Maingat na tumango si Raven at kumilos na. Binuhat nito si Theo at inilagay sa likuran niya. Kumilos na rin si Raine at inalalayan ang dalawa.

Nanatili ako sa kinauupuan ko at hindi inalis sa kanila ang paningin. Nagsimula nang maglakad sila Raven palabas ng training room at noong tuluyan na silang nawala sa paningin ko, napabuntonghininga na lamang ako.

Mayamaya lang ay namataan ko ang pagbaling ng dalawang royal sa kinauupuan ko. Napaayos ako nang pagkakaupo at sinalubong ang mga titig nila sa akin. Segundo lang din ang lumipas ay kumilos na ang dalawa at maingat na naglakad papalapit sa akin.

"Are you okay?" tanong ni Reagan noong nasa harapan ko na ito. Hindi ako sumagot at tumayo na lamang.

"Thank you for helping my friend," mahinang turan ko at yumukod sa harapan ng dalawang royal. Mayamaya lang ay umayos na ako nang pagkakatayo at muling tiningnan ang magkapatid. Magpapaalam na sana ako sa kanila noong namataan kong mabilis na tumalikod si Amelia at tahimik na lumabas sa training room namin. Napalunok ako at hindi nakakilos sa kinatatayuan ko. At noong kami na lamang ni Reagan ang naiwan sa silid, wala sa sarili akong napabuntonghininga. Maingat kong inangat ang kamay na may hawak sa sirang silver weapon ko.

"You can ask Asher to fix your silver weapon," rinig kong sambit ni Reagan na siyang ikinaangat ko nang tingin sa kanya. "He can fix it. Magagamit mo pa rin ito sa misyong mayroon kayo."

"This is a rare silver weapon," mahinang sambit ko at kinagat ang pang-ibabang labi. "Maaari itong maayos ng kapatid mo pero baka hindi ko na ito magamit pa sa kahit anong misyon. Paniguradong hindi ko na magagamit ang ability ko sa sandatang ito."

"Just give a try. Na kay Asher lahat ng kakayahan ng mga naunang royal na gumawa ng sinaunang silver weapons na nasa Deepwoods Academy ngayon. He can fix it, Zaila. Trust him." Napayuko na lamang ako at hindi na nagsalita pa. I suddenly felt bad about everything. Hindi magandang pangitain ito para sa aming mga hunter at huntress ng Deepwoods. A destroyed silver weapon. This is bad for me. "Come on. Lumabas na tayo sa silid na ito. Sundan mo na rin ang mga kaibigan mo. They need you right now," muling sambit ni Reagan Asteria na siyang tahimik na ikinatango ko na lamang.

Walang imik kong inihakbang ang mga paa at nagsimula nang maglakad patungo sa pintuan ng training room. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas, narinig kong muli ang boses ni Reagan. Napakurap ako sa pangalang binanggit nito at mariing hinawakan ang sirang silver weapon sa kamay ko.

"Kanina ko pa ito nais itanong sa'yo, but I guess it's not the right time. I'm sorry. You can go now, Zaila," turan muli ni Reagan sa likuran ko na siyang ikinangiwi ko na lamang. Napahugot akong muli ng isang malalim na hininga at mabilis na inihakbang ang mga paa palabas ng training room.

Untold Story of the Last Witch HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon