Untold Thirty-five: The Overwhelming Disadvantage

544 31 1
                                    

"No."

Iyon na lamang ang nasambit ko noong tuluyan nang bumagsak sa lupa ang katawan ni Reagan. Mabilis ko siyang dinaluhan at hinawakan ang handle ng silver weapon ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at maingat na inalis ang pagkakatarak ng espada sa katawan niya.

Mariing dumaing si Reagan at napamura na lamang noong tuluyan ko nang naalis ang silver weapon sa katawan niya. Agad ko naman inilapat ang isang kamay sa sugat niya at mabilis na gumamit ng healing magic. "It's gonna be okay, Reagan. Hang in there, okay?" mahinang sambit ko at matamang tiningnan ang sugat nitong unti-unting naghihilom.

Hindi ko pa natatapos ang paggamot sa kanya noong makarinig na naman ako ng isang malakas na pagsabog. Wala sa sarili akong napatingin sa gawi ng mga kaibigan at noong mamataang tumilapon si Raven, napaawang ang mga labi ko. Ngayon ay si Theo at Raine na lamang ang nagpapalitan ng kani-kanilang mga atake. Damn it!

Napabaling naman ako sa puwesto ni Donovan at noong mapansin kong gumalaw ito, napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi.

He's awake! Nagkakamalay na ito! Damn! This is not good! Hindi kakayanin ni Theo na kalabanin si Raine at ang lider ng Coven nang sabay!

"That's enough, Zaila." Natigilan ako noong marinig ang boses ni Reagan. Mabilis akong napatingin muli sa kanya at sinalubong ang titig nito sa akin. "Go and help your friends. I'll be fine now."

"Pero-"

"I'm an Asteria, Zaila. Hindi mo na kailangan mag-alala sa akin. Go and help them now." Muling wika nito at tipid na tinanguhan ako. Napahugot muna ako ng isang malalim na hininga bago kumilos sa puwesto ko. Marahan kong inalis ang kamay sa sugat niya at tinanguhan na rin ang prinsipe. Wala sa sarili kong inangat naman ang isang kamay at inilapat iyon sa mukha niya. Namataan kong natigilan si Reagan sa ginawa ko ngunit hindi ko na iyon binigyan pansin pa. Hinaplos ko ang mukha nito at bago pa man ito makapagsalitang muli, mabilis akong tumayo at dali-daling tinakbo ang direksiyon kung saan naroon ang mga kaibigan ko.

Using my wind magic, mas pinabilis ko ang pagkilos at noong mamataan kong aatake na sanang muli si Raine kay Theo, agad kong ikinumpas ang kamay na siyang nagpahiwalay sa dalawa. Mabilis na napaatras si Raine at masamang tiningnan ako. Tumigil naman ako sa pagkilos noong tuluyan na akong nakalapit sa puwesto ng dalawa.

"Theo, tulungan mo si Raven," mahinang sambit ko at palihim na tiningnan ang puwestong kinaroroonan ni Donovan. Seconds passed; I saw him opening his damn eyes. Shit! "Move now, Theo!"

"Ikaw na ang tumulong sa kanya. I can handle Raine, Zaila. Ako na ang bahala sa kanya," ani Theo at nagsimulang umatakeng muli kay Raine. Napamura na lamang ako sa isipan at mabilis na binalingan ang puwesto ni Raven. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at dali-daling nilapitan ito. Tinulungan ko itong makatayo at noong mapansing ang duguang katawan nito, agad kong inilapat ang kamay sa katawan niya. Damn it! I've been using my healing magic nonstop! Sana lang talaga ay kayanin din ng katawan ko ang sunod-sunod na paggamit ko ng kapangyarihang ito.

"Hey, can you still fight?" tanong ko kay Raven noong matapos ako sa paggamot ng mga natamong sugat nito. Tumango naman si Raven sa akin at inalis ang kamay kong umaalalay sa kanya.

"Looks like he's awake," anito habang nakatingin sa unahan namin. Napalunok ako at napabaling na rin doon. Yeah. He's freaking awake. Nakatayo na ngayon si Donovan at seryosong nakatingin sa direksiyon nila Theo at Raine. "Hey, can you still fight?" tanong ni Raven sa akin na siyang ikinangisi ko sa kanya.

Binalingan ko ito at umayos nang pagkakatayo. "That man is a monster, Raven. Yes, I can still fight. I can still fight him," seryosong saad ko sa kaibigan. "Hindi ito ang magiging katapusan natin. As long as I can fight, I'll make sure to win and survive."

Untold Story of the Last Witch HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon