Untold Fifty-five: The Turning Tables

616 34 0
                                    

Hindi ko maalis ang paningin kay Merlin. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao habang matamang nakatitig pa rin sa kanya.

He wants to rule both Utopia and Sanctuary! Iyon talaga ang plano niya simula pa lang. To rule both worlds! And Kaiser... that freaking Vampire Emperor predicted it! Alam niyang hindi titigil itong si Merlin. Na kahit mapasakamay niya ang buong Utopia, hindi pa matatapos ang hangarin nitong makuha ang lahat!

"I'll help you, Zaila. But you need to help us, too. We'll give you all the weapons you need, all information we have here in Sanctuary. But, when the time comes, when your enemy tries to attack this world, I need you to stop them. Sa kahit anong paraan, kailangang hindi mapunta sa mundong ito si Merlin. He's dangerous. This world will surely fall if you fail to defeat him, Zaila Amethyst."

"Hindi mapapasa'yo ang Utopia... lalo na ang Sanctuary, Merlin," matamang wika ko at umayos nang pagkakatayo. "Hindi ko hahayaang mangyari iyon."

Tumawa muli si Merlin sa harapan ko. "You can't do anything now, Zaila. Wala ka ngang nagawa sa loob ng isang daang taon, ngayon pa kaya? Huwag mo nang sayangin pa ang kapangyarihang taglay mo ngayon. You can't defeat me. You, a former witch huntress, can't stop me."

Napailing na lamang ako at mabilis na kumilos muli. Sabay kong ikinumpas ang magkabilang kamay at agad naman lumabas doon ang itim na kapangyarihan ko. Hindi naman gumalaw si Merlin sa kinatatayuan nito at hanayaang matamaan ang sarili niya sa mga atake ko.

Hindi ako tumigil sa pagkilos at pagkumpas ng kamay hanggang sa ilang hakbang na lamang ang distansiya ko kay Merlin. Hindi pa rin ito umiiwas man lang sa mga atake ko kaya naman noong maramdaman ko ang kapangyarihan nitong unti-unting lumalakas, agad akong napirmi sa kinatatayuan ko. Tumigil na rin ako sa pag-atake at noong mamataan kung ano ang nangyayari sa puwesto ni Merlin, napaawang na lamang ang mga labi ko.

He... fuck it! He absorbed my dark magic!

"Stop wasting your dark magic, Zaila," anito at nginisihan ako. "We're both dark magic users. Walang epekto ang kapangyarihan mo sa akin."

"Puwes, hindi ko na gagamitin iyon sa'yo," mariing saad ko sa harapan niya at pinalibutan ng wind energy ang buong katawan. Mabilis kong pinalutang ang sarili at agad na lumipad patungo sa kinatatayuan ni Merlin. Inangat ko naman ang kanang kamay at saktong ilang metro na lamang ang layo ko kay Merlin, mabilis akong gumawa ng wind sword at itinutok iyon sa kanya. Ngunit bago pa man lumapat sa katawan nito ang talim ng espada ko, agad akong natigilan at kusang bumagsak ang katawan sa lupa.

The wind energy that surrounds my body... biglang na-dispel ito!

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Merlin habang nakatingin sa akin. Hindi pa rin ito kumikilos sa kinatatayuan at napapalibutan pa rin ng dark energy ang buong katawan nito! Mukhang ang kapangyarihang pinakawalan ko kanina ang ginagamit niya ngayon laban sa akin! Damn it!

"Kung ako sa'yo, hindi na ako mag-aaksaya pa ng lakas," ani Merlin at marahang inihakbang ang mga paa. Nanatili naman akong nakaupo sa lupa habang masamang nakatingin sa kanya. "You know how dark magic works. Hindi ito gagana sa akin at tiyak kong alam mo rin ang epekto nito sa ibang elemento na kayang gamitin mo. Your wind magic will just dispel with your dark magic's presence." Ngumisi muli sa Merlin sa akin at unti-unting naupo sa harapan ko.

Ngunit segundo lang din ang lumipas noong biglang nakaramdaman ako ng pamilyar na enerhiya na papalapit sa puwesto namin. At sa isang pagkurap ng mga mata, biglang tumilapon si Merlin palayo sa akin! Napaawang ang mga labi ko at mabilis na napatingin sa gawing kanan ko.

"Reagan," mahinang turan ko sa pangalan nito.

Mabilis akong nilapitan ni Reagan at tinulungan sa pagtayo. Humugot ako ng isang malalim na hininga at matamang tiningnan ang bagong dating. "Are you okay?" tanong nito at tiningnan ang kabuuan ko. "You're not injured, right?"

Untold Story of the Last Witch HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon