Untold Fifty-eight: The Eternal Life

552 34 1
                                    


Being a witch huntress was initially not my dream.

I was born and grew up in a wealthy noble witch family. Ni minsan ay hindi ako nahirapan sa buhay na mayroon ako noon. We were happy and contented. Not until the Coven came and destroy everything we have.

"Palakas nang palakas na ngayon ang kahit mababang lebel na miyembro ng Coven." Natigilan ako sa pagbabasa noong marinig ang boses ni Raven. Napaayos ako nang pagkakaupo at marahang isinara ang librong hawak-hawak.

"Mabagal ka lang talaga kanina kaya naman ay natamaan ka nang atake nila," saad naman ni Raine at naupo sa tabi nito. "Dapat kasi umalis ka na roon kanina. Hinintay mo pa talagang dumating sila Elveena."

Napabuntonghininga si Raven. "Alam mong hindi ko gagawin iyon, Raine," anito at napasimangot na lamang.

"Why? Because you're a witch hunter?" malamig na tanong naman ni Theo sa kanya.

Marahang tumango si Raven at humugot muli ng isang malalim na hininga. "Exactly." He paused and started playing his own silver weapon. "Ang mga kagaya natin ay hindi dapat tumatakbo sa laban kung saan naroon ang mga evil witch."

Napairap ako sa narinig mula kay Raven. Inilapag ko na sa mesa ang hawak na libro at binalingan ito. "Hindi sa lahat ng laban ay kailangan nating maipanalo, Raven," wika ko na siyang ikinabaling ng tatlo sa puwesto ko. "Mas mahalaga pa rin ang kaligtasan natin. At kung alam mong ikapapahamak mo ang manatili sa lugar kung saan naroon ang mga kalaban, mas makabubuting umalis na lamang at bumalik kung kailan kaya mo nang makipagsabayan sa kanila."

"Wow. Really, Zaila? Talagang nanggaling pa sa'yo ang mga salitang iyon?" tanong ni Raine at pinagtaasan ako ng kilay. "Ikaw nga, sumusugod agad kapag nakakaramdam ng presensiya ng evil witch."

"Ginagawa ko iyon dahil alam kong kaya kong makipagsabayan sa kalaban," matamang saad ko na siyang ikinairap ni Raine sa akin. "I may act impulsive and sometimes impatient, but I know what I'm doing. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko." Humugot ako ng isang malalim na hininga at maingat na tumayo mula sa kinauupuan. "Kung ayaw niyong maulit ang nangyari kanina, lalo na sa'yo Raven, kailangan nating maging mas malakas pa. We need to train hard and master all the skills that can defeat evil witches. Yes, wala dapat sa bokabularyo nating mga hunter at huntress ng Deepwoods ang umatras sa laban kung saan naroon ang mga evil witch, but still, isa lang ang buhay natin. We're not like them. We don't use magic and definitely don't use anything that can prevent our own death."

Death.

Simula noong naging huntress ako ng Deepwoods ay hindi ko na binigyan halaga pa ang tungkol sa bagay na iyan. Sa hirap at delikado ng trabaho namin, alam kong hawak ni kamatayan ang isang paa namin tuwing may nakakaharap kaming mas mataas na lebel na evil witch.

They say that I don't fear death.

But the truth is... I just don't want to acknowledge the fact that one day, I'll go and leave my family and friends from Deepwoods behind. Na dahil sa pagnanais kong makahiganti sa Coven, maiiwan ko sila at lalabang wala ako sa tabi nila.

Deepwoods has fallen.

They burned and killed all hunters and huntresses of Deepwoods.

I can't image how they suffered because of them. I can't imagine how Elveena, and the rest of my family fought just to save everyone.

It was my biggest nightmare. Learning about what happened to them almost killed me. I gave up. I don't even have the courage to live and fight again. I lost everything and now, I think I lost myself too.

This is worse than death itself.

"Zaila." Napabaling ako kay Yuri noong tawagin niya ako. Nasa sentro kami ngayon ng isang liblib na nayon ng Utopia. Napagdesisyunan naming manatili muna sa lugar na ito habang hindi pa naaayos nang mabuti ang mga plano namin laban sa Coven. "Kapag ba makaharap mo ulit sila Donovan at Merlin, sa tingin mo ba'y kaya mo nang makipagsabayan sa lakas nila?"

Untold Story of the Last Witch HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon