CHAPTER 6

2.9K 62 0
                                    

Marforie's POV

“Ano ba naman yan at ang dumi-dumi pa nito! Labandera ka ba talaga o hindi? Puro pagpapaganda lang ata sa mga construction worker 'yang alam mo!” iritang untag sakin ng kliyente ko ngayong gabi.

“H-hindi naman po. Nahulog po kasi— ” kinakabahan kong sagot na agad niyang pinuna.

“Alam mo ba kung magkano toh? Kulang pa sa halaga ng pagkatao mo iha! Lumayas ka na nga dito. Nanggigigil ako sayo!”

Halos mahilo nako sa gabundok na labahan kanina kaya't nawalan ng kulay ang balat ko sa aking narinig.

“ P-po?

—Pano po yung sweldo ko ho? ” gulang kong tanong .

“ Ay wow. Dinumihan mo na nga yung damit ko .Hihingi ka pa ng sweldo. Ang kapal din ng mukha eh noh. Lumayas ka na nga dito , tatanda ako nito ng walang oras sayo.” magrereklamo pa sana ako ngunit wala na akong nagawa nang bigla nalang hinawakan ang dalawang kamay ko ng mga trabahante niya palabas.

Pero akala ko ay pakakawalan agad nila ko.

Naramdaman ko nalang bigla na parang may humahawak sa bandang hita ko. Dahil sa takot ay kumalas na agad ako.

Madilim kaya't hindi ko gaano maaninag ang mukha nila lalo na't liblib na lugar ito at puro puno ang nakapaligid.

“Miss hindi mo na  kailangang magkanda kuba maglaba. Babayaran ka na namin. Ikaw ang pampa goodvibes namin sa trabaho tuwing pagod kami. Hali ka, malaki ang ibabayad namin sayo.” bagama't madilim ay naaninag ko parin ang labi ng isa sa kanila na halos mandiri at manginig ako ng magawa niya pang basain ito.

Dahan dahan akong humakbang palayo sa kanila. Nang mapansin nila iyon ay linapitan pa nila ko lalo.

Agad nakong kumaripas ng takbo ng kainin nila ang distansiya mula sakin.

Kahit na nanghihina ang tuhod ay binilisan ko pa rin ang pagtakbo ng marinig ang mga hakbang nilang papunta sakin.

Basang basa ang mukha ko ng magkahalong pawis at luha. Halos mapahagulgol ako ng maramdaman sa likod na malapit na nila akong abutan.

Unti unti ng nanghihina ang tuhod ko nang di inaasahan ay bigla nalang akong nabundol ng kung ano.

Sa lakas ng dulot nito ay nanghina ang katawan ko at tuluyan na ngang matumba sa putik ng gubat.

Unti-unting nagdilim ang paligid at ang tanging huling narinig ko na lamang bago ako mawalan ng malay ay ang bakas ng  nakakilabot nilang tawa papalapit sa'king gawi.

Jusko , m-maawa kayo.

K-kailangan ko pang umuwi sa a-anak ko, hinihintay nako nun .”

LET HERWhere stories live. Discover now