CHAPTER 9

2.8K 64 0
                                    

Nelson's POV

Nakaramdam ako ng kaba ng halos labing limang beses ko na siyang itext at subukang tawagan pero dahil mahina ang signal ay hindi ko siya magawang macontact.

Sinabi niya sakin na may bago siyang kliyente , alam ko ang pasikot sikot ng lugar dahil kinagisnan ko na ito , kaya't pag uwi pa lang namin ng mga bata galing paaralan ay hinanap ko na agad siya.

Pinapunta ko lang muna si Kyrie sa bahay namin dahil baka mag isa lang ito , at inutusan ko ang asawa kong bantayan muna sila.

Habang naghahanap sa madilim at liblib na kagubatan ay may nakabunggo akong babae na sugatan at nanginginig . Nilapitan ko ito ng humandusay ito at parang nawalan ng lakas makabangon,   nagulat ako ng makilala ang babae .

“M-marforie ” nanginginig kong sambit na halos di makapaniwala sa kalagayan niya.

Bakit siya sugatan at naka paa.

“Bakit ka tumatakbo? ”

Hindi ko na naitanong ito dahil nawalan na siya ng malay matapos niyang banggitin ang anak niya.

Naghari ang aking galit  dahil sa nasaksihan sa matalik kong kaibigan. Nasagot ang mga tanong ko ng may narinig na mga halakhak sa malapit.

Liningon ko iyon at nakita ang grupo ng mga lalaking nakahubad ang kalahating katawan, kita ang matabang tiyan —  habang ang damit ay nakatali sa ulo.

Tumayo ako para lapitan sila, ngunit ng naaninagan nila na may ibang tao ay bigla na lamang  itong nagsitakbuhan.

“ Kamusta siya? Sabi ko sa kanya pahihiramin ko lang muna siya pambili ng damit ni Kyrie sa pageant ehh ayaw niya” nag-alalang tanong ng asawa ko.

Hindi namin masisi kay Marforie ang nangyari dahil kahit kami ay gipit din ng asawa ko. Tatlo na kasi ang anak namin, kaya't sobra ang pagtatanggi ni Marforie sa tuwing aalukin siya namin ng pera at laging sinasabing mas kailangan namin iyong mag asawa dahil tatatlo ang anak namin. Ayw niyang maging balakid samin. Balak niya kasing bilhin ng magarang damit na nakita niya sa divisoria para sa nalalapit na pageant ng aa niya.   Medyo may kamahalan ito , kaya't pinasok niya lahat ng trabahong mapapasukan para lang makaipon.

“Asan na ba ang asawa niyan ?” pinandilatan ko ang asawa ko dahil sa tanong niya.

Bumalik ulit ang kanina ko ng galit.

“ Ang lalaking hayop na yun ay maayos lang ang buhay at ikakasal na. Habang si Marforie ay magkanda kuba na para lang tustusan ang anak nila ” gigil na sagot ko  sa tanong niya na nagpatikom sa kaniyang bibig.

Wala kaming tv dito sa baryo dahil mahina ang signal. Kaya't nabalitaan ko lang ang kumag na yon na ikakasal na sa dyaryong nabasa ko.

“ Subukan niya lang lumapit sa mag Ina ay hindi ako magdadalawang isip na k!t!lin siya ng buhay” Buong galit kong sabi sa sarili pagkatapos ng nasaksihan ngayong gabi kay Marforie.

You deserve better Marforie.

“ If only I know that things will end up this way ay inangkin na sana kita. But it was too late.

I fucking trust that bastard and that was my biggest mistake.

So from now on I swear ,  Kahit hindi ako ang prinsipe mo.

Poprotektahan ko kayo ng munti mong prinsesa.

LET HERWhere stories live. Discover now