CHAPTER 27

2.2K 48 0
                                    

Ilang minuto bago naisipan kong bumangon sa pagkakahiga. Hindi naman siya nagising nung bumangon ako sa kama —siguro dahil sa pagod.

Pagkatayo ay plano kong kumuha ng gapas at betadine sa cabinet. Napansin ko kasing hindi pa ginagamot ang sugat niya sa labi.

Ngunit nabigo ako ng makitang wala ng natira mula don. Sakto at bibili din ako ng pandesal at kape kaya naisipan ko munang lumabas at bumili sa malapit na tindahan.

Siguro hindi naman siya aalis muna..

Diba....

Kayden's POV

Nagising ang diwa ko , at sumalubong sakin ang sinag ng araw. I turned at the other side of the bed and was about to hug her. When I notice that it was so soft to be a person, napabangon ako pagkatapos kapkapin ang—

Unan?

Where is she?

“ A-ano ---- t-teka ------tinakasan niya ba ulit  ako ” umaga palang pero tumagaktak na ang pawis sa aking noo. Agad akong pumunta sa bukana ng bahay kubo at nagsuot ng tsinelas na nasa labas.

“ N-no right? Y-you didn't leave me again right? ” natataranta kong sagot at agad na naglakad para hanapin siya.

LET HERWhere stories live. Discover now