CHAPTER 33

1.9K 41 0
                                    

33.      Marforie's POV

Naglalakad kami ngayon pauwi, pagkatapos ng nangyari kanina.

Hindi ko alam pero hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.  At sa tingin ko'y ganon din siya dahil nakatutok ang mga mata nito sa malawak na dagat.

Ni isa sa'min ay walang balak na magsalita.Nasa malapit na kami sa bahay nila Nelson ng makita ko itong papunta sa direksyon namin.

Halos iharang ko ang sarili ko ng balak niya itong sugurin sa kaniyang paglapit.

“Anong ginagawa mo Marforie, Umalis ka diyan. Anong ginagawa ng hayop na'to dito. Pagkatap— ”

“Nelson kumalma ka.” dahil umaga pa lang ay ayaw ko ng kaguluhan lalo na't sobrang tahimik dito'y walang  telebisiyon dahil mahina ang signal.

Mga alon lang malapit sa dagat ang maririnig mo.

“Nahihibang kana ba ,Marforie?Pagkatapos ng masasakit na salita niya sayo kahapon, patatawarin mo lang siya?”

“At sinong nagsabing papatawarin ko siya?” kung kanina ay malumanay lang ang pagkakasabi ko.

Ngayon ay may diin na, gazing that

“I know  what I'm doing look”  on him.

“ Nelson, away namin 'to . Gusto ko man ng tulong mo , pero sa tingin ko mareresolba lang naming dalawa to. Kaya please lang , ipagkaloob mo na ito sakin , wala ka na bang tiwala sa'kin?”

“Sayo meron, pero sa hayop na toh wala!”

“Kung gano'n sapat na yon , Ako lang ang pagkatiwalaan mo.”

“Pinagkatiwalaan na kita noon Marforie, tingnan mo kung anong nangyari sa'yo. Kung di kita sana  pinaubaya sa kaniya ay masaya ka,sa mga bisig ko—

“ Nelson naririnig mo ba yung sarili mo ? May asawa't anak k—”

“Anong ibig mong sabihin?” nakalimutan ko palang may kasama pa kaming lalaki sa likod.

Pero binewala ko lang ito at agad na nagsalita bago pa magtanong ng marami si Kayden.

“ Nelson, sa inyo lang muna si Kyrie.Mag uusap lang kami. Magtiwala ka sa'kin at magiging maayos ako.” pangungumbinsi ko sa kaniya sabay hawak sa kaniyang mga kamay.

“ Marforie, Ito nalang ang huling beses na hahayaan kita.Kapag hindi ko nagustuhan ang desisyon mo't maging alila ka na naman sa lalaking 'to. Hindi ko alam kung anong magagawa ko.” nakatingin siya sa likod habang binibigkas ang mga salitang iyon at pumanhik na papunta sa kanilang bahay.

Hinarap ko naman si Kayden para anyayahan ng umuwi na sa munting tahanan namin at kumain muna bago mag usap ng masinsinan.

LET HERWhere stories live. Discover now