CHAPTER 47

1.4K 32 0
                                    

Rocky's POV
         
Pinatay ko ang tv  matapos mapakinggan ng buo ang balita.

Nakatulog na ang mga bata dahil sa pagod at si Kyrie dahil sa kakaiyak.

Kawawang bata.

Di man lang naranasan ang kompletong pamilya.

Nasa hotel  kami ngayon sa Manila , dahil sa mga donasyong natanggap ni Kyrie sa publiko  at mula sa industriya ng kaniyang ama.

Inaamin kong may kasalanan din ako dito. Kung pinigilan ko lang si Nelson sa paghithit  niya sa pinagbabawal na gamot  ay hindi na sana ito mangyayari.

Minahal ko siya, kagaya din ng pagmamahal niya kay Marforie.

Kung gaano siya katanga at kabaliw kay Marforie ay ganon din ako.

Nagpagamit ako sa kaniya, hinayaan ko ang sarili kong magpakatanga.

Akala ko magbabago na nang magkaanak kami , pero bukambibig parin nito si Marforie.

Nahulog ang loob ko kay Nelson ng minsan niya ng iligtas ang buhay ko. Alam kong hindi kayo sasang-ayon pero kilala ko si Nelson,mabait yun.

Hindi ko namalayang unti unti ng tumulo ang aking mga luha.

LET HERWhere stories live. Discover now