CHAPTER 15

2.5K 55 0
                                    

Marforie's POV

Hinihintay ko pa si Rocky sa labas dahil yung isang anak nila ay sinundo pa niya galing day care dahil may pasok pa ito .

Ang isa naman ay nasa loob na kasama si Nelson- kaedaran ni Kyrie. Habang ang bunsong anak na sanggol nila ay karga karga ko , hinihintay ang ina niya.

Nang dumating si Rocky ay agad niyang kinuha ang sanggol mula sa pagkakarga ko.

" Pasensya na mars ha , si Kyrie puntahan muna. Naabala pa kita." paumanhin nito kahit hindi naman kailangan. Ang laki kasi ng utang na loob ko sa kanila sa pagpapalaki ko kay Kyrie.

"Maliit na bagay lang 'yon . Atsaka nakahanda na sa pila ang mga bata-para sa unang rampa. Pupunta nalang ako sa loob para manood.

" Teka , nasan pala ang asawa ko? " tanong niya sakin ng hindi makitaang anino ng asawa.

"Ay nako, pinauna ko na sa loob . Baka maubusan kasi ng upuan -pinareserve kona". pagpapaliwanag ko sa kaniya.

" Gano'n ba , Oh sige mauna na'ko at papatulugin ko pa ang baby ko. Susunod nalang ako mare . By the way ang ganda mo sa dress nayan huh.. Baka makahanap ka ng afam diyan.Balita ko maraming dayo ngayon. " huling chika niya na tinawanan ko lang at dumiretso na sa venue.

Dito palang ay rinig ko na ang sigawan , nagsisimula na ata ang pageant.

Pagkapasok ko ay yumuko ako at dumaan sa gilid dahil nasa harapan ang piniling upuan ni Nelson. Malapit lang ng konti sa kanang table ng mga judges.

Nang makaupo ako ay ipinapakilala na ang huling hurado. Bagama't nasa unahan ay likod padin nila ang nakikita ko, dahil medyo malayo ang agwat nito mula sa table ng judges mula sa upuan ng audience.

Hindi ko na ata naabutan ang pagpapakilala ng tatlo pang hurado.
Dahil nagpasalamat na ang hosts sa pagpunta nila sa munting baryong ito.

Nang dumilim ang ilaw ay nagpalakpakan ang mga tao. When the disco lights were occupying the stage- the hosts started to call the candidates one by one.

-"Ladies and gentlemen , The Splendid and Aesthetically pleasing Candidates of Little Miss Ecosystem."

"Around of applause please."

LET HERWhere stories live. Discover now