CHAPTER 41

1.4K 32 0
                                    

Marforie's POV

Pagkatapos naming kumain ni Kyrie ng hapunan ay pinatulog ko ito. Nagliligpit ako ng hugasin ng biglang tumunog ang selpon ko.

Kinuha ko ito at tiningnan ang message na nakapaloob.

Si Nelson iyon.

“Naaksidente ako sa divisoria Marforie, nasa malapit akong hospital at nakaconfine. Kabvbunt!s  palang kasi ng asawa ko kaya't ayaw ko siyang mag alala. Hihingi lang sana ako ng damit . 'Wag kang mag alala at konti lang ang galos ko.”

Dahil sa pag alala ay pinuntahan ko si Rocky para ipaalam ito. Ngunit naalala ko ang sinabi ni Nelson sa text. Kaya't bibili nalang ako ng damit malapit sa bayan dahil dadaanan ko din naman. Imbis na sabihin kay Rocky  ang nangyari sa asawa. Pinabantayan ko lang muna si Kyrie  dahil day off nito at ang dalawa niyang anak ay naglalaro lang sa labas.

Papunta ako ng highway para maghintay ng trycicle nang may napansin akong lalaking kanina pako sinusundan. Manyakis na naman ata ito.

Hindi na ito bago sakin kaya't dinalian ko ang aking mga hakbang , ngunit dahil sa bilis nito ay naabutan niya ko.

Tatakbo pa sana ko ng may bumundol sa akin, tinakpan niya ko sa ilong ng panyo at nahilo ako dahil sa amoy nito kaya't unti unting dumilim ang aking paligid.

Bago nawalan ng malay ay nakilala ko ang babaeng bumangga sa akin.

“ F-fioree.”

LET HERWhere stories live. Discover now