CHAPTER 30

2.3K 37 1
                                    

     Nelson's POV

Nagwawalis ako malapit sa bakuran namin nang mapansing nakabukas ang pintuan ng bahay ni Marforie...

Linooban ba siya? Dahil sa kyuryosidad ay linapitan ko ang bahay at nakitang walang tao dito...Kung ganon nasan siya?

Napukaw ang atensiyon ko sa betadine at gapas na nakalatag sa kama...

Eto naman si Marforie... Nag alala pa sakin at lumuwas pa talaga ng bayan para lang bumili nito.

Kukunin ko na sana ito ngunit nang muling lumingon ako  mula sa pintuan ay  naagaw ng atensiyon ko ang dalawang taong naglalakad. Hindi ko maaninag ang mukha dahil medyo malayo pero kinabahan ako sa di malamang dahilan para lumapit pa'ko.

Kinusot kusot ko ang mata ko ng makilala kung sino ang dalawang ito...

Hey....Imposible...

Eh halos magbangayan sila kahapon ehhh.

Pero habang papalapit ng papalapit sila ay mas nasisigurado kong ang gagong lalaking nga ito na sumipa sa akin kahapon kasama si Marforie.

Anong g-ginawa niya dito?

S-san sila papunta?

W-wag mong sabihing kela Marforie siya natulog.......

Heeyy...

Imposible...

Kung ganon yung betadine at gapas ay hindi para sakin, kundi para sa bastardong i-iyon?......

Halos umakyat ang dugo ko sa napagtanto....

KAYDEEEEEN!!!!!!!!

LET HERWhere stories live. Discover now