CHAPTER 25

2.3K 37 0
                                    

Marforie's POV 

“ Kamusta ! Anong nangyari. Natutulog na yung mga bata. Sa amin lang muna si Kyrie , mukhang pagod ehh ” si Rocky.

Kanina habang hindi pa nagkakagulo ay pinauna ko na agad ang mga bata at si Rocky sa pag uwi. Mabuti nalang at hindi nila nasaksihan ang gulong nangyari.

“ Dito ka rin kaya muna magpahinga, mukhang pagod ka na din ehh.. ” pansin ni Rocky ng halos pumikit na ang mga mata ko.

“N-nako hindi , tutuloy na'ko.Bukas ko nalang susunduin si Kyrie.”

“Si Nelson?” nag aalala kong tanong.

“Andon natulog din dahil sa pagod. 'Wag kang mag alala at galos lang yon. Sisiw lang yon, kumpara sa mga pinagdaanan niya ”

“ S-sige mauna nako.”

Pumanhik nako papunta sa aming bahay kubo.Malapit lang ito , ngunit dahil sa pagod ay mumunti lang ang mga hakbang ko.

Habang naglalakad ay napansin kong may nagmamasid sakin. Pero isinawalang bahala ko lang ito at nagpatuloy sa paglalakad.

Ngunit hindi na ata kaya ng katawan ko't bibigay na.

Hinintay kong lumapat ang aking likod ko sa malamig na buhangin  nang may mga bisig na sumalo sa aking pagtumba. Dahil sa pagod ay nawalan nako ng malay para makilala kung sino ito.

LET HERWhere stories live. Discover now