CHAPTER 37

2K 41 2
                                    

Nelson's POV

Hindi ako mapakali , hanggang ngayon ay di parin makapaniwala sa naging desisyon ni Marforie.

Pagkatapos ng ginawa ng hayup na yun sa kaniya ay hahayan niya lang itong lapitan siya?

“ Nel nasa'n si Kyrie?” tanong ko sa aking panganay ng mapansing hindi niya na ito kasamang maglaro.

“ Hindi ko po alam , kanina lang po nandito siya eh.”

“ Ano? Diba kalaro mo lang siya kanina?”

Nataranta akong lumabas pagkatapos iyong malaman.

Alam kong matalinong bata si Kyrie , pero baka kung saan- saan na naman ito nagsususuot.

Tiningnan ko muna ito sa bahay nila at baka umuwi lang ng matigilan ako sa aking nasaksihan.

Nag-alala lang  pala ako sa wala.

Malapit sa dagat ay natanaw ko ang pigura nilang tatlo.

I saw them laughing , like a perfect family. Acting like nothing happened yesterday.

May kung anong mabigat akong naramdaman.

Hindi ko alam pero hanggang ngayon ,nanghihinayang parin ako.

Pano kung kinulong ko nalang siya saking mga bisig?

Pano kung hindi agad ako sumuko at naghintay lang na may maramdaman siya sakin?

Halos ginawa ko ang lahat para matulungan ka pero 'yang bastardong walang ginawa kundi saktan ka, diyan ka pa din tumatawa. Ni hindi nga kita nakita sa ganiyang itsura pag kasama mo ako eh.

Ano bang meron diyan sa lalaking iyan na wala ako.

Huh, Marforie?

“'Wag mong sabihing pupuntahan mo sila? Ano! Ipapahiya mo ang sarili mo?”

Papahakbang para putulin ang kasiyahan ng magpamilya ng isang boses ng babae ang aking narinig sa aking likuran.

Liningon ko ang pinanggalingan ng boses at nagmumula nga ito  saking likod.

“ At sino ka naman?”

“Me ? I'm Fioree, Kayden's fake wife.”

“F-fake?” natuon ang atensyon ko sa kaniyang sinabi.

“ Yup, peke. Dahil kagaya mo, ginamit lang din ako.”

“At sino namang nagsabing ginamit ako, huh!” kung makapagsalita ito ay parang may alam.

Bigla itong humalakhak na parang bruha at nagpatuloy.

“ Ah talaga ba? Kaya pala, hanggang ngayon hindi ka parin pinapansin ni Marforie dahil tatanga-tanga ka at laging nagpaparaya.” halos mainis ako sa kaniyang sinabi.

Kung hindi lang ito babae , kanina ko pa ito pinatulan.

“ Anong sinabi mo!”

“Come on! Face the truth ! Matagal ka nang nasa tabi ni Fioree,  pero wala pa ding nangyayari. Bubuntot-buntot ka pa rin sa kaniya hanggang ngayon.”

“ Eh ikaw ! sabi mo asawa ka niya , bakit wala pa kayong anak? ” bwelta ko nagpainis rin sa kaniya.

“Exactly! T-that's what Im saying. Pareho lang tayong ginamit nilang dalawa . Na para bang  laruan at dahil wala ng halaga ay itatapon nalang. Do we even deserve that?”

Napaisip ako sa kaniyang sinabi.

“ Ano bang gusto mong sabihin?”

“Would you want to stay idiot  forever to Marforie?”

“ H-hindi.” sagot ko, binalewala ang paraan ng kaniyang pananalita.

“ Kung ganon , join hands with me. If you want to eliminate Kayden. Ganon din ako kay Marforie.”

Nakangising saad nito na parang may masamang balak.

“So anong gusto mong gawin natin?”
I asked curiously.

“I have a plan.”

LET HERWhere stories live. Discover now