CHAPTER 7

2.8K 65 0
                                    

7.1       Nelson's POV

Nasa labas ako ng munting paaralan sa baryo namin , hinihintay ang paglabas ni Kyrie. Nang makita ko ang grupo ng batang babae sa gate ay natanaw ko siya, kakawayan niya sana ko ng madissapoint na naman ito dahil hindi ang ina niya ang susundo sa kaniya , kaya't ako na ang kusang lumapit dito.

“Anong gusto mo? Bili tayo ng Ice cream.”

“ I want Mom, not Ice cream ” sambit nya habang nakasimangot.

Binuhat ko siya at kiniliti sa tagiliran.

“Huwag kang mag alala, may pasalubong 'yon pag uwi.”

“ Lolo , does Mama really love me? ” bagama't bata pa ay matalino na ito lalo na sa Ingles.

“Oo naman, sobrang sobra. At diba sabi ko sayo , Tito and not lolo. Mukha ba kong matanda na?”nagkukunwaring tampo ko sa kaniya.

“Yes po , you have a thick mustachè po all over you face eh.” she said giggling to tease me.

Nakaginhawa naman ako ng tumawa ulit ang bata. Kadalasan kasi ay umiiyak ito sa  pagtatampo  sa kaniyang ina dahil lagi itong abala at wala sa bahay.

“Papa ! Bakit mo akap si Kyrie. Ako ba talaga anak mo o siya ?” nagulat ako ng biglang may kumabit na maliit na kamay sa t-shirt ko.

Isang batang lalaking nakakunot ang noo at nagseselos umano sa nadatnan.

"Kelvin. Kaibigan mo si Kyrie. Hanggang ngayon pa din ba, hindi mo pa siya napapatawad?”

“Never, he said ako lang ang kaibigan niyang lalaki. Sinungaling siya ”. nag aalburotong saad ng anak ko habang si Kyrie ay tinawanan lang siya.

Magkaiba ang ugali ni Marforie at Kyrie.

Marforie is calm and collected while Kyrie her daughter, is a bit playful and witty.

Pagkatapos ng asaran ay isa isa ko silang binuhat sa loob ng trycicle.

“ Broom broom.. Uuwi na ang prinsipe at prinsesa..” masigla kong sambit na umani ng hagikhik sa kanilang dalawa.

Bati na ata sila.

LET HERWhere stories live. Discover now