Chapter 1

1.4K 48 4
                                    

LUDO POV

"Kailan ba kayo uuwi ng pilipinas,gusto ko nang makita ang apo ko Ludo."

Gamit ang laptop ni Eros ay tinawagan ko si Ina,nasa nayon parin ito.

Ang dating maliit na bahay namin ay naipagawa na din niya,hindi iyon dahil kay Eros kundi dahil sa pagsusumikap ni Ina.

Sina Aling Marta,Mang Berto at ang dalagang si Letlet na ang kasama ni Ina sa bahay.

Siyempre hindi nawawala ang makulit na si Arf Arf,may mga sariling anak na din ito.


"Wag po kayong mag-alala ina,inaasikaso na ni Eros ang mga kakailanganin namin mga papeles,palipad ng pilipinas."


"Ate ludo,ate ludo,ang ganda ganda mo parin,parang magkaptid lang kayo ni Collan."biglang singit ni letlet.

"Awww...awww...awww....singit din ng makulit na si Arf Arf...

Natawa nalang ako sa kakulitan nila.

"O siya sige na,kailangan pa namin maghanda para sa nalalapit na pista,pakisabi sa apo kong pogi mahal siya ni Lolay."tulog ang batang makulit kaya hindi ito makausap ni Ina.

"Sige po ingat po kayo lagi ina."

"Bye ate ludo,ingat ka din."pahabol ni letlet.


"Miss mo na sila?tanong ng bagong dating na si Eros,halatang bagong gising ito dahil sa magulo pa ang buhok nito.

Inosente ko itong tinignan.

"Fuck my baby doll,don't look at me like that."nayayamot na sabi nito at ginulo-gulo ang buhok nito.

Tinagilid ko ang aking ulo at kunot-noong nagtanong dito?

"May problema ba sa mga mata ko?inosenteng tanong ko dito.

"Tssskkk....my innocent angel."

"May sinasabi kaba?

"Wala,nagugutom na ako,ipagluto mo naman ako."

"Hmmmm...ano ang magic word?

"Tsskkkk....please."napipilitang sabi nito .

Niligpit ko muna ang ginamit kong laptop bago dumiretso sa kusina.

"Si collan?

Pagkabanggit ko sa pangalan ng aking anak ay nakarinig kami ng iyak.

"Da..da dada.."

Mabilis na tumakbo si Eros papunta kay collan,  doon ko lang napansin na wala itong sapin sa paa.

Inihanda ko na ang mga gagamitin kong pansahog sa aking lulutuin.

Sinigang  ang paborito ng dalawa.
Kaya naman ipagluluto ko sila ng sinigang na baboy.

Kompleto naman ang mga rekados.

Habang naghihiwa ako ng mga gulay,ay naririnig ko ang hagikgik ng aking anak,mukhang napatahan ito ng kanyang Dada Eros.



May maliliit na kamay ang yumakap sa aking baywang habang naghahain sa mesa.

"I love you momma."

May batang gustong magpalambing.

"I love you Collan baby."hinalikan ko ito sa noo at binuhat paupo sa lamesa.

Kiniliti ko ito at pinaghahalikan ang buong mukha,tuwang-tuwa naman ito sa aking ginagawa.

"How sweet naman,pede bang sumali si Dada hmmm...."

"No,dada me and my momma only."

"Tsskkk...seloso  parang tatay mo lang."may ibinulong ito pero hindi ko gaanong narinig.

















MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon