Chapter 38

566 25 3
                                    

LUDO POV

Matagal kong tinititigan ang aking sarili sa salamin na nasa loob ng  aming silid.

Nakasuot ako ng isang puting bestida na hanggang itaas ng aking tuhod,manipis lang din ang strap nito.

Komportable ako sa mga ganitong kasuotan kaya hindi ako nakakaramdam ng pagka-ilang.

Tinernuhan ko ito ng isang kulay puting sandalyas na regalo sa akin ni Eros.

Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok,naglagay din ako ng kaunting pulang lipstick sa aking labi si Ate  Berta ang nagbigay sa akin nito.

Pagkababa ko ay dumiretso ako sa kusina,nakita kong naghahanda na si Ate Berta ng aming almusal.

"Magandang umaga Ate berta,"nakangiti kong bati.

"Magandang umaga din sayo magandang binibini,"Nakangiting bati din nito habang nagluluto.

"Napakaganda mo talaga maam,makakapagtrabaho kaya ng maayos ang boss niyo?

Inosente ko itong tinignan,at napaisip bigla.

"Sa tingin ko makakapagtrabaho naman siya ng maayos,"mahinhin kong sagot.

"Hmm...bakit mo natanong ate berta?inosenteng tanong ko dito.

"Ah,napaganda mo kasi Maam,hehe."

Naiiling nalang ako sa mga sinasabi nito sa akin.

"Kumain kana maam,ako na bahala kay baby Collan wag po kayong mag-alala."

Tulog pa ang aking anak, hindi ko na muna ito ginising,hinayaan  kong itong matulog ng mahimbing,alam kong puyat ito dahil tinapos namin ang pelikulang paborito nitong panoorin.

Hinatid ako ni Mang Lando sa kumpanyang pag-aari ni Azriel.
Naging mabilis ang aming biyahe dahil kabisado ni Mang Lando ang pasikot-sikot sa siyudad.










UNKNOWN POV

Pagpasok palang ng dalagang si Ludo ay napapatingin na ang mga empleyado ni Azriel.

Ang mga kalalakihan ay napapangangang nakatingin sa babaeng inosenteng naglalakad.

Ang mga kababaihan ay napapa-kunot-noong nakatingin dito.

Nagpalinga-linga si Ludo sa paligid naghahanap ng pwedeng mapagtatanungan,pero laking gulat nito ng makita na halos ng mga empleyado ay tila natulos sa kanilang kinatatayuan.


Lalapitan na sana  nito ang lalaking may suot na salamin  ng bumukas ang kulay gintong elevator.

At doon ay iniluwa ang madilim na mukha ni Azriel.

LUDO POV

Napatingin si Azriel kanyang pwesto,at lalong nagdilim ang mukha nito sa hindi malamang dahilan.


May naglakas loob na lumapit kay Ludo isang lalaking may maamong mukha.

"Hi miss,may hinahanap kaba?nakangiting tanong nito.

Ningitian din niya ang lalaki,na mabilis na napalitan ng pagtataka dahil sa sumunod na nangyari bigla nalang itong natumba sa kanyang kinatatayuan.

Napatakip ito sa bibig dahil sa gulat.

Akmang susuntukin ulit ito ni Azriel ng mabilis niya itong pigilan.

"Ano ba problema mo?

"Bakit ka nanununtok?

Mahinahong tanong niya na may kaunting galit.

Hindi ito sumagot bagkus ay hinila ako nito papasok sa kulay gintong elevator.

Sobrang higpit ng hawak nito sa aking kamay.

Sinubukan ko itong alisin ngunit sinamaan ako nito ng tingin.

Iniwas ko ang tingin dito.

Bago nagsara ang pinto ng elevator ay nakita ko kung paano tulungan ng mga emplayado nito ang lalaking kanyang sinuntok ng walang dahilan.

Hindi ko ito inimikan hanggang sa makarating kami sa loob ng opisina nito.

Inilibot ko ang tingin sa dito.

Ang kanyang opisina ay ang tamang lugar para sa pag-aaral dahil walang distraksyon.

Tahimik ang buong floor at halos wala ng maririnig ng ibang mga tunog.


Kung hindi ako nagkakamali,dalawa lang kaming nasa floor na ito.

Ang sikat ng araw sa likod ng salamin na dingding ay nagbibigay ng kapayapaan para sa isang taong nagtatrabaho dito.

Napasulyap lang ako dito ng padabog nitong bitawan ang aking kamay.

Lumapit siya at pinagdikit ang aming katawan.

Lalayo na sana ako sa kanya ng hinila niya ako palapit sa kanya habang hinahalikan niya ang dulo ng hubad kong balikat.




"Ba-bakit ba ang lapit-lapit m-mo?mahinang taning ko.

"You're giving me a fucking hard."




MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon