Chapter 53

615 49 16
                                    

LUDO POV

Mahigit tatlong oras ang naging biyahe namin bago narating ang malaking mansion niya.

Hindi na ito ang dating bahay na kanyang tinitirahan.



May mga nakahilerang mga pine trees sa magkabilang dulo ng mahabang daanan,sobrang tayog ng mga ito.

Tila kumislap din ang mansion dahil sa rami ng mga ilaw na nakapaligid.

Pagkapasok nila ay sinalubong  sila nang apat na katulong na siyang agad din namang nagsipagyukuan nang makita ang pagdating nila.

Gustuhin ko mang magbigay galang sa mga ito ay hindi ko magawa dahil sa paghila ni Azriel sa akin.

Diretso itong umakyat sa hagdan habang mahigpit na hinahawakan ang aking kamay.

Wala akong nagawa kundi ang magpahila nalang dito.

Hanggang sa marating namin ang tapat ng isang pinto.

Binuksan niya ito at agad siyang hinila papasok.

Nang tuluyan na kaming nakapasok ay doon ko napansin ang malaking kama na nasa gitna.

Pansamantala niya munang binitawan ang aking kamay.

Nakita ko kung paano niya hiniga sa kama at asikasuhin ang natutulog na si Collan.

Matagal muna niya itong pinagmasdan bago tuluyan lumapit sa akin.

Itinulak siya nito sa kama,napapikit ako dahil sa takot.

"Sleep!malamig na saad nito bago tuluyang lumabas.




Dala narin siguro ng pagod ay unti-unting bumibigat ang aking mga talukap.

Humiga ako sa tabi ng aking anak,at niyakap ito.

















-------

THIRD PERSON POV


Nagising si Eros na masakit ang ulo niya.

Pagbangon niya ay diretso ito sa loob ng banyo para gawin ang kailangang gawin.




Nang matapos na ito ay naisipan niyang silipin ang kanyang mag-ina.

Oo mag-ina ang turing niya sa dalawa.

Para sa kanya ay tunay na anak niya si Collan.

Pagbukas ng pintuan ng kanyang kwarto ay bumungad sa kanya ang makalat na pasilyo,nagkabasag basag ang mga malalaking vase.

Binaliwala niya ang mga nakita,nakaramdam ito ng takot ng biglang sumagi sa isipan niya ang dalawang taong mahahalaga sa kanyang buhay.


"No..no..not my doll"

Dali-dali itong tumakbo papunta sa kwarto ng dalawa.

Pero nanlumo ito sa nakita.

Nakabukas ang pintuan ng kwarto nila at walang tao sa loob nito.




"Doll ....Collan baby.....Doll"malakas na tawag nito sa dalawa.





Akmang lalabas na ito upang tignan ang dalawa sa baba ng mapansin ang isang puting papel.

Nakasulat ang katagang.




"I'm taking my property "Del Fuego".

AVC

















PLEASE VOTE❤️











MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon