Chapter 45

601 30 7
                                    

LUDO POV

Inabala ko nalang ang aking sarili sa pagmamasid ng buong paligid.

Lumapit ako sa 
salamin na dingding na mayroon kurtinang makapal  na ang kulay ay murang kayumanggi.

Inihawi ko 'yon kahit na nahihirapan dahil sa mabigat.


Sumabog ang kaunting liwanag na nagmumula sa labas.

Ang taas ng gusaling ito kitang kita ko ang abalang lugar ng siyudad.

Napagmasdan ko ang ganda sa labas,maging ang kaunting bahagi ng dagat ay kita ko mula dito.

Ito kasi ang pinakamalaking gusali sa lugar na ito.

Napalingon ako ng may mga brasong pumulupot sa aking baywang.

"Even when I'm not in the office- naputol ang sasabihin niya ng may mahihinang katok kaming narinig.

"Come in"malamig na utos niya.


Pumasok sa loob ang isang lalaking may nakakatakot na aura.

"Sir, everything is ready for your departure"nakayukong sinabi nito.



Naramdaman ko ang malalim na pagbuntong hininga niya sa aking likuran.



Tumingala ako sa kanya.



"A-akala ko b-bukas ang alis mo?hindi ko mapigilang itanong sa kanya.


Nagtataka ako sa biglaang nitong pagngiti sa akin na aking ikinagulat.


Napaigtad  ako ng tumunog ang aking telepano.

Inalis ko ang mga kamay nitong nakahawak sa aking baywang.

"Hello"


"Maam Ludo pasensya na istorbo,si Collan po kasi nawawala,"

Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig.

"A-ano po?


"Nagpumilit po kasi siyang sumama sa pagsundo sayo,pasensya na po nalingat lang ako ng kaunti nawala na siya sa tabi ko."

Hindi ko mapigilan ang panginginig  ng aking mga kamay dahil sa takot.





"Is there a problem?malamig na tanong niya sa akin.

Nasa harapan ko na ulit ito at mahinang hinahaplos ang aking mukha.


Maluha-luha akong nakatingin sa kanya.


"Damn it"





"Tell me what the problem is!maotoridad na utos niya.


"S-si Co-collan na-nawawala,"at tuluyan ng bumuhos ang aking mga luha.


"And who is that fucking man!!

Mabilis kong tinampal ng kanyang bibig dahil sa pagmumura nito sa aking anak.

"Fuck baby"





"Kailangan ko nang umalis,mag-iingat ka sa iyong pag-alis."nagawa ko pang magpaalam dito bago ko naisipang umalis sa kanyang harapan.















-------

Sinubukan pa akong pigilan ni Azriel.

Hindi ko pinansin ang mga malulutong na mura niya.

Dali-dali kong nilisan ang kanyang opisina.



Pagkalabas ko ng elevator ay bumungad sa akin ang mukha ni Mang Lando.

Kita sa mukha nito ang labis na pag-alala,nakaramdam ako ng awa dito.















-------

THIRFLD PERSON POV

Sumakay ang batang si Collan sa kulay gintong elevator.

Sanay itong sumakay ng elevator dahil lagi itong sinasama ng Dada Eros niya sa kumpanya nito.

Pinindot niya ang numerong para sa Opisina ni  Azriel.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumukas ang kulay gintong elevator.

Nagpalinga-linga ito sa paligid,at nang wala siyang makita ay nagpatuloy ito sa paglalakad.


Huminto ito sa kakaibang pintuan,at kumatok gamit ang maliliit na kamay niya.






Nakabusangot ito habang naghihintay sa pagbukas ng pintuan.






Sa kabilang banda.


Naggagalaiti sa galit ang naiwang si Azriel.




Iniisip ang maamo at magandang mukha ng dating asawa.

At ang nag-aalala nitong mukha.










"I will kill that fucking man!!!

Masamang napatingin ito sa pinto ng marinig nito ang sunod-sunod na katok.



Wala itong balak na pagbuksan.

Ngunit mukhang wala rin itong balak tumigil.





Kinuha niya ang pabiritong baril sa kanyang drawer at galit nitong binuksan ang pinto.








Nakatingalang nakatingin ang batang si Collan sa lalaking nagbukas ng pinto.

Katulad din niya ito hindi maipinta ang mukha.
















MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon