Chapter 4

686 24 0
                                    

LUDO POV

Abala ako sa  pag-aayos ng mga itinitindang mga bulaklak.

Nang tumakbong lumapit sa akin ang anak.

"Momma,where is the guy your talking to earlier po?bihasa ang aking anak sa wikang ingles,kinakausap kasi ito ni Eros sa ganoong klaseng lenggwahe.

Kailangan daw ni Collan matutunan ang ganoong salita,para hindi ito mahirapan makipag-usap o makipag koneksyon sa kapwa bata nito paglaki.

Marunong naman itong magsalita ng wikang tagalog.

Sa katunayan sa wikang tagalog ko ito kinakausap araw-araw.

Sadyang matalino lang ang anak,kaya mabilis itong makaintindi.

"Sino naman ang tinutukoy mo?

"The guy  your talking to earlier po."nakabusangot na sagot nito.
Kahit hindi maipinta ang mukha nito ay hindi mawawala  ang paggalang nito sa akin.

"Iyon ba anak,customer lang ni momma iyon."ngumiti ako dito ng pagkatamis-tamis.

Mayroon akong isang maliit na flower shop sa harapan ng aming bahay.

Alam ni Eros na mahilig ako sa mga bulaklak kaya naman naisipan niyang magpatayo ng isang maliit na flower shop sa harap lang ng amingbahay.

Ang sabi niya sa akin ay hindi ko na kailangan umalis ng bahay upang maghanap ng trabaho.

Noon kasi ay kinausap ko ito at pinilit na payagang  magtrabaho para sa gastusin naming mag-ina  sa araw-araw,nahihiya na kasi akong umasa sa kanya.

Pero tumanggi ito,ilang araw ko din itong hindi kinakausap,kaya naman siya ang gumawa ng paraan upang magka-usap kami.

Pumayag itong  magtrabaho ako.
Sa isang kundisyon ay dapat sa malapit lang.
Hindi ko naman inaasahan na sobrang lapit nito.
Sa harapan lang ng aming bahay.

At nagulat ako ng sinabi niyang ako ang mag may-ari nitong isang maliit na flower shop.

Tinanggihan ko ito noong una,kaya nagtampo ito sa akin.

Kaya naman ay napilitan akong tanggapin ito.

Maraming mga kabataan ang bumili dito,halos karamihan ay mga lalaki.

Minsan nga ay napagkakamalan nila akong kaedaran nila,kapag tinatawag akong momma ng aking anak ay doon lamang sila naniniwala.

Marami ang nagbago sa aking katawan,ang aking buhok  ay mahaba parin,kulot parin ito at kulay  tsokolate.
Ang aking dibdib na noon ay may kaliitan ay lumaki ng kaunti mas lumiit pa lalo ang aking baywang.
Hindi mo makikita sa aking katawan ang pagkakaroon ng isang anak,dahil sa impis ngs aking tiyan.

Ang tawag nga nila sa akin ay  sexy momma.

Ipinagkikibit balikat ko lang ito.

"Why are they giving you flowers everyday?

"Dada told me,don't let a man approach you."

"Dada mo talaga kung ano-ano itinuturo sayo."pinagkukurot ko ang pisngi nito dahil sa gigil,nakabusangot parin ito kahit sinabi ko na ang katotohanan.

"Nako anak,ipasok mo na yan sa loob ng inyong bahay,mukhang nagagalit na naman ang maliit na dragon."pagsingit ni Nanay Tinay.

Si nanay tinay ang katuwang ko sa shop.

Kapitbahay  ko ito at naging malapit kami sa isa't-isa,ito rin ang madalas kong kasama at katuwang sa pag-aalaga kay Collan kapag wala si Eros.

"Mabuti pa nga po."sang-ayon ko dito.

"Halika na,at ipagluluto nalang kita ng paborito mong sinigang."

"Yehey...yehey..."nawala na ang pagkabusangot nito at nagtatalon pa.

Magalang akong nagpaalam kay Nanay tinay,pero bago kami umalis ay pinanggigilan niya muna ang aking anak.

Hinayaan lang ito ni Collan naging malapit narin kasi ang loob nito sa matanda.
Mag-isa nalang din ito sa buhay,may mga sariling pamilya na kasi ang mga anak nito at ang kanyang asawa ay matagal ng pumanaw,kaya mag-isa nalang ito sa kanilang bahay.



Nakangiti kaming mag-ina na nagpaalam dito.

MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon