Chapter 58

554 25 3
                                    

LUDO POV

Nagsimula na ulit itong magtrabaho pagkatapos naming kumain.

May mga empleyado itong pumasok sa loob ng kanyang opisina.

Kanya-kanyang report ang mga ito kung ano na ang nangyayari sa negosyong pinapatakbo niya.

"DAMN IT!

Nagulat ako dahil sa malakas na sigaw niya.

Mabuti nalang na wala dito ang aking anak,nakatulog kasi ito kaya binuhat ito ni Azriel at dinala sa kanyang silid.

May sariling kwarto din ang loob ng opisina niya.

Nang tignan ko ito ay naalarma ako dahil sa nagliliyab niyang mga mata.

Ano kaya ang nangyari?

Nakatitig lang ako sa madilim niyang mukha.

"I-im s-sorry p-po s-sir".

Ramdam ko ang takot ng taong nasa harapan niya kaya tahimik akong tumayo at lumapit dito.

"Ayos ka lang ba?tanong ko dito?

Nagulat pa ito sa biglaang paglapit ko at paghawak sa kanyang balikat.

Nakanganga itong nakatingin sa akin at doon ko nakita ang maamo niyang mukha.

"GET OUT!

Parehas kaming nagulat dahil sa malakas na sigaw ni Azriel.

Padabog din itong tumayo at lumapit sa akin.

"I said get out habang nakakapagtimpi pa ako!saad nito habang nakatingin ang nagliliyab niyang mga mata sa akin.

Ako ba pinapaalis niya?

Nang lingunin ko ang aking katabi ay nakayuko ito at nanginginig ito sa takot.

"Si-sige po,aalis na ako"sagot ko.

Akmang tatalikod na ako para lumabas sa kanyang opisina ng may humigit sa aking baywang.

"And where the hell are you going?

Napakagat-labi nalang ako dahil sa anomang pagkakataon may mahuhulog mula sa mata ko.

"H-hindi ko a-alam"

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot.

Hindi kasi ako masyado sanay na sinisigawan.

"Stay here"Maawtoridad niyang utos .

"And you!baling niya sa kanyang empleyado.

"GET OUT!

Dali-dali naman itong umalis sa aming harapan.

"I have to let this anger out,you must not talk to other guys next time  "ill mio bambino".What's mine is mine only,I don't fucking share!

Nanginginig ang mga paa ko ngayon hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.



MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon