Chapter 16

579 23 1
                                    

LUDO POV

Muli kong tinikman ang niluto kong sinigang na baboy ang paborito ni Eros at ni Collan.

Pinatikim ko din ito sa batang maligalig.

"Wow..ang sarap."

Natawa ako ng malakas pagkarinig  sa aking anak,bibihira lang itong magsalita ng wikang tagalog,parang ang kanyang tunay na ama.

"Napakasarap naman po sa pandinig ang tawa mo maam ludo parang isang musika."ang sabi ni Berta habang tinutulungan ako nitong magligpit ng aming kalat mag-ina.

"Lagi mo nalang akong binobola ate berta."si berta ay matanda sa akin ng tatlong taon.

"Naku maam hindi po,totoo ang sinasabi ko."sagot nito sa akin.

Ningitian ko lang ito bilang tugon.





-------

Pinaliguan ko at binihisan si Collan,excited ito sa pagbisita sa kanyang Dada Eros.

Hindi alam ni Eros ang sopresang aming gagawin.

Si Mang Lando ang maghahatid sa amin doon.

Si Mang Lando ay matagal ng Family driver nina Eros ang sabi ni Berta.

Ang mga anak nito ay may kanya-kanya nang pamilya ang asawa naman nito na dating kasambahay ni Eros ay  matagal ng yumao.

Lahat ng mga impormasyon ito ay kay Berta ko lang nalalaman.

Naisipan kong isuot ang bestidang binili ni Eros sa France,kulay Cream ito at spaghetti strap litaw din aking aking maputing likuran.

Nasanay akong magsuot ng ganito noong nasa France pa kami.

Ang mahaba at kulay tsokolate kong buhok ay hinayaan ko lang na nakalugay.

"Mommaa...i'm ready,let's go na."
Masayang nagtatalon ang aking anak habang hawak-hawak ko ang kamay nito pababa sa mahabang hagdan.

"Oo na po,aalis na tayo."malambing kong sagot dito.




Sinigurado kong nakasuot ang sealtbelt ng aking anak bago paandarin ni Mang Lando ang aming sasakyan.

Mas maganda ang nag-iingat.

Habang naghihintay sa mabahang biyahe ay nakipagkwentuhan sa akin si Mang Lando mabait ito at may kaunting kadaldalan na aking nagustuhan.

Hindi ko tuloy naramdaman ang pagkainip sa mahabang biyahe,ang aking anak naman ay abala sa  pagmamasid sa labas ng bintana ng  sasakyan.




Nang marating namin ang malaking Building na pagmamay-ari ni Eros ay mabilis na nagpababa ang aking anak.

Tuwang-tuwa itong nagmamasid sa paligid.

"Maam Ludo tatawagin ko ba si Sir Eros para ipaalam na narito kayo."

Mabilis akong umiling dito.

"Wag na po Tay Lando,balak ko po sana siyang sopresahin."nakangiti kong sinabi dito.

"Kung ganun po ay mauna na ako sa inyo,tawagan niyo nalang po ako kapag magpapasundo  kayo."magalang na paalam nito sa akin.

"Maraming salamat po."

Nang tuluyan ng umalis si Mang Lando ay doon ko lamang naisipan na maglakad.


Hawak-hawak ko ng mahigpit ang kamay ng aking anak,habang ang isang kamay ko ay may bitbit na maliit na bag,kung saan nakalagay ang mga pagkain na aking niluto para kay Eros.



Nang tuluyan na kaming nakapasok ay naging agaw atensyon kaming mag-ina.


Hindi ko nalang pinansin ang mga nakatingin sa amin,bagkus ay inakay ko ang aking anak papasok sa elevator na kabubukas lang.


"My foot is hurts momma."at umakto ito na magpapabuhat.

Binuhat ko ito ng hindi nagrereklamo,kahit may kabigatan ang aking anak ay nag-eenjoy ako sa pagbubuhat dito.


Isiniksik nito ang kanyang ulo sa aking leeg,animoy inaamoy ito.


"Why are all the boys looking at you momma?mahinang tanong nito sa akin.


Ramdam ko din ang pagtulis ng nguso nito,at dahil doon ay natawa ako ng mahina.





"Hindi ko din alam anak."sagot ko dito.

Hindi ko naman talaga alam kung bakit sila nakatingin sa akin.






"When I grow up I want to be a police man,so i can watch over you every day."hinarap ako nito at hinawakan ang aking mukha.

"Kahit hindi ka maging pulis,pwede mo naman akong bantayan."pagkasabi kong iyon ay pinagdikit ko ang aming ilong.

At tumawa ito ng napaka-cute pati ako ay nahawa na dito.

Naputol ang aming masayang tawanan ng tumunog ang sinasakyan naming elevator hudyat na narito na kami sa tamang palapag.



Maaliwalas na pasilyo ang bumungad sa amin.


Inilibot ko ang aking mata sa buong paligid ngunit wala akong makitang mga empleyado.




Sa pagmamasid ko ay may nakita akong isang  pintuan na kakaiba ang itsura hindi ito katulad ng mga ibang pintuan aking nakikita.



Naglakad ako patungo doon habang buhat-buhat ko ang aking anak na tulad ko ay nagmamasid-masid.








Dahan-dahan ko itong binuksan at sa kabutihang palad ay hindi ito naka lock.



Pagkabukas ng pintuan ay bumungad sa amin ang malaking opisina nito.




May malaking telebisyon at malaking sofa ito,meron din itong maliit na kusina at sa bandang gilid ay may mga pintuan na nakasarado.


Ang kanyang lamesa at upuan ay malapit sa malaking bintana,purong salamin din ito.

Naalala ko tuloy ang opisina ni Azriel,ganitong-ganito din ang itsura.


Mabilis na bumaba ang aking anak at lumapit sa upuan ni Eros.



"Momma look,we have a picture in dada's office."

Akmang aabutin ito ng aking anak ng mabilis ko itong nilapitan upang suwayin.



"Baby anong sabi ko sayo,hindi ba ang sabi ni momma wag kang malikot."

Ngumuso ito at dahang-dahan na tumango.



"Ok,i'm sorry po."



"Ayos lang halika,maupo muna tayo dun at hihintayin natin ang dada mo."inabot ko ang kamay nito at dinala sa mahabang sofa.







MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon