Chapter 41

559 27 1
                                    

LUDO POV

"How's your work momma?are you tired?tanong ng aking anak habang kinakain ang binili kong pasalubong.

"Hmm...okay naman po,eh ikaw  kamusta ka?anong ginawa ng baby ko habang wala ang momma?

Natawa ako ng makita ang maruming bibig nito,napakalat talagang kumain ng aking anak.

"I'm fine momma ate berta said am i going to school soon,"

"Oo nman,excited kana bang mag school?

"Yeah,im so excited."halatang excited nga ito dahil labas lahat ng mga ngipin  dahil sa sobrang galak .

Matagal nang naayos ni Eros ang mga kakailanganin nito para sa susunod na pasukan.






















--------

Maaga akong pumasok ngayon,hindi katulad kahapon ay marami-rami akong nakikitang mga empleyado.

Dahil siguro sa sobrang aga kong pumasok kaya mangilan-ngilan lang ang aking nakikita.

Ang mga nakakasalubong ko ay ningingitian ako.

"Magandang umaga."bati sa akin ng babaeng may kaliitan,sumabay ito sa paglalakad sa akin.

"Magandang umaga din,"mahinhin kong sagot sa kanya.

Nang bumukas ang elevator para sa mga empleyado na tulad ko ay sabay na kaming pumasok hindi na ako sa kulay ginto sumakay dahil para lang iyon sa may-ari ng kumpanya walang iba kundi si Azriel.

"Ngayon lang kita nakita dito?basag nito sa katahimikan.

"Hmmm...oo ako ang bagong secretary ni Mr.Castillo."

"Talaga ba?

"Hindi ka mukhang secretary mas mukha ka niyang asawa,napakaganda mo kasi eh,kakaiba ang ganda mo."titig na titig siya sa akin habang nagsasalita.

"Ako nga  pala si Bea,"pakilala niya sa akin sabay lahad ng kanyang kamay.

"Ludo,"mahinhin kong sagot,sabay abot sa aking kamay.

"Ang lambot ng kamay mo,sige na paalam."

Nagmamadali itong lumakad kaya mabilis itong nawala sa aking harapan.








Nang marating ko ang opisina ni Azriel ay agad kong inilibot ang aking mga mata,pinagmasdan ko muna ito bago naisipang linisin.



Sa sobrang abala ko ay hindi ko namalayan ang oras,pagtingin ko sa orasan na nasa aking bisig ay ganun nalang ang gulat ko ng makita ito.

Pasado alas-diyes na,nakakapagtaka din na wala pa ito.

Nakaramdam ako ng pagkaantok kaya naman naisipan kong umidlip muna kahit sandali lang tutal naman ay wala pa ito.



Nagising ako sa naramdaman may humahaplos sa aking buhok,pagmulat ko sa aking mga mata agad na nagtama ang aming paningin.


Mahiwagang tinitigan niya ako habang nakatitig ako pabalik sa kanya.

Ang kanyang mapupungay na mga mata na kulay abo ay tumingin sila pabalik sa akin ng sobrang intensidad hindi ko namalayang nakagat ko ang labi ko.

Ang kanyang mga mata ay kumikislap mula sa aking mga mata hanggang sa aking labi.

"A-andito ka-kana,"sa sobrang kaba ko ay iyon ang aking naibulas.




"You look tired,"






"Nilinis ko ang opisina mo,nakatulog ako pasensya na."

Kumunot ang noo nito sa narinig.




"I didn't tell you to clean up!tila galit pa ito dahil hindi niya nagustuhan ang aking ginawang paglilinis.


Napanguso ako dahil sa naging reaksyon nito.





"Tssskkk"














































































MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon