Chapter 14

617 27 5
                                    

THIRD PERSON POV

Walang kamalay-malay ang mag-inang sina Ludo at Collan na pinagtitinginan na sila ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Agaw atensyon kasi ang itsura nilang mag-ina.

Parang may isang batang Angel at Diwatang naliligaw sa terminal ng Bus.

Halos lahat ng  mga kalalakihan at pati mga kababaihan ay humahanga sa taglay na kagwapuhan at ganda nila.

Simple lang ang suot nitong damit,tulad ng kanyang nakagawiang isuot,isang puting bestida na hanggang sa ibabaw ng kanyang tuhod.

Kita ang makinis na balikat nito,ang kanyang buhok ay nakatali ng messy bun,napaka-simple nito pero nakakabighani ang gandang taglay nito.

Ang batang katabi naman nito ay namumula ang pisngi dahil siguro sa sobrang init.

Nakakunot din ang noo nito tila naiinis.

"Grabe ang ganda ni ate."wika ng babaeng napadaan may kasama din itong isang lalaking binabae.

"Kainggit naman,apaka cute pa ng batang kasama niya,picturan mo dali ang ganda ng anggulo nila."
Pagpupumulit ng lalaking binabae sa babaeng kasama nito.

Nakatayo ang mag-ina habang magkahawak kamay,pareho silang nagmamasid sa paligid.

Para talaga silang mga Angel na naligaw sa kung saan.

"Perfect,popost ko to sa fb,hihihi."maharot na sabi nito,at tuluyan na silang lumayo sa dalawa.






LUDO POV

Hawak-hawak ko ang kamay ng aking anak habang pababa sa  bus na aming sinasakyan.

Ilang araw na din kasing hinahanap ni Collan ang Dada Eros nito.

Sa hindi malamang dahilan higit isang buwan kaming nawalan ng kominikasyon dito.

Kaya lalong hindi tumigil si ina sa kakakumbinsi sa akin na lumuwas sa syudad upang alamin ang kalagayan nito.

Kaming  dalawa lang ng aking anak ang lumuwas,hindi nakasama si Ina dahil sa nagkasakit si Nay Marta.

Ayaw kona din sanang umalis pero mapilit si ina,hindi raw nito kayang nakikita ang aking anak na nalulungkot.

Kaya naman heto kaming dalawa nakatayo sa  kawalan.

Napapansin ko din ang kakaibang tingin ng ibang mga kalalakihan.

"Mommaa..I'm sleepy."mapupungay ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

Wala itong ibang ginawa sa buong biyahe kundi maglaro sa aking cellphone at manood.

Kaya naman ngayon ay nakakaramdam ito ng antok.

Wala akong dalang malaking bag na naglalaman ng aming mga damit.

Lahat ng mga kakailanganin naming mag-ina ay kumpleto na sa bahay ni Eros.

Kaya madali ko siyang nabuhat at mabilis itong sumiksik sa aking leeg.

Naglakad lakad na ako upang makahanap na ng ibang masasakyan.








----------



Higit kalahating oras na akong nakatayo sa harapan ng bahay ni Eros.

Kanina pa ako nakatayo dito at kanina pa gising ang aking anak,mabuti nalang ay may nakita kaming upuan sa ilalim ng puno na nasa harapan lang ng bahay nito.

Nakakaramdam na din ako ng pagod dahil sa mahabang biyahe at dahil sa pagbuhat ko kay Collan,hindi biro ang bigat ng aking anak.

Idagdag pa ang gutom na aking nararamdaman.

Ang aking anak ay may baon na pagkain at gatas sa kanyang maliit na bag na ang disenyo ay spider man.

Hindi na ako naghanap pa ng makakainan dahil hindi ko naman kabisado ang lugar dito,at excited din ako na makita si Eros,matagal din kaming walang kominikasyon.

Malapit na magdilim ng may magarang kotse ang huminto sa tapat ng bahay ni Eros.

Mabilis akong tumayo at binuhat ang aking anak na kanina pa umiiyak.

Pagkabukas ng kotse ay dali-dali akong lumapit dito.

"E-eros."mahinang tawag ko dito.

Gulat itong lumingon sa amin.

"My baby doll."

"Dada.."

Mabilis itong lumapit at sabay na niyakap ng mahigpit.

"Tell me I wasn't dreaming My doll."

Umiling ako bilang tugon.

Bumitaw ito sa pagkakayakap sa amin at pinaghahalikan ang mukha ng aking anak.

"I miss you baby."

Habang pinagmamasdan ko ito ay hindi ko mapigilang umiyak.

Nagagalak ako dahil alam kong nasa mabuti itong kalagayan.

Natigil ito sa paghalik sa aking anak ng mapansin ang aking mahinang pag-iyak.














MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon