Chapter 83

234 14 1
                                    

LUDO POV

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero ng magising ako ay ramdam ko na hindi na ako sa bintana nakasandal kundi sa isang matikas na katawan.

Ang ulo ko ay nasa balikat nito habang ang mga braso nito ay nakapulupot sa aking baywang.

"Your awake,"saad nito.

"Ahmm..Oo,"namumulang saad ko.

Huminto ang sasakyan pagkatapat nito sa isang malaking nakasaradong gate.

May naka-abang na mga tao sa malaking gate,mga malalaking lalake na naka-suite and tie,may suot din silang mga itim na salamin.

Lumapit ang mga ito sa aming sasakyan.
Ibinaba naman ni Alejandro ang bintana.

May ipinakita ito sa mga ito,pagkakita sa bagay na ipinakita ni Aljendro ay yumuko ang mga ito.Mabilis din nilang binuksan ang napakalaking gate.




Namangha ako sa tumanbad sa akin na isang mapakalaking mansyon.

Singlaki ito ng mansyon ni Azriel,ngunit ito naman mukhang classic ang mansyon ni Azriel ay modernong-moderno ang pagkakagawa.

Hininto ni Alejandro ang sasakyan sa harapan ng mansyon.

May nakaabang rin na dalawang lalaki roon na katulad ang suot sa mga lalaking nasa labas.

Isa sa kanila ang nagbukas ng pinto ng sasakyan.

Unang lumabas si Azriel na agad namang binati ng yuko ng dalawa.

At nang ako na ang lumabas ay nagulat ako ng may naglahad sa akin ng kamay.

Pag-angat ko ng tingin ay ang abuhing na mga mata nito ang bumungad sa akin.

Magka-hawak kamay kaming pumasok at nakasunod kay Alejandro.

Gaya sa labas magarbo rin ang loob ng mansyon at hindi nakapagtatakang mamahalin ang mga kagamitan.

Huminto kami sa double wooden door.

Pagkabukas ni Alejandro ay sa amin agad nakatuon  ang paningin ng mga tao sa loob.















THIRD PERSON POV

Lahat ng mga tao sa loob ng bulwagan ay natuon ang atensyon sa bagong dating na Mafia Lord.
Mas lalong natuon ang atensyon ng mga ito sa babaeng kasama nito.

May kakaibang ganda kasi itong itinatangi.

Bagay na bagay ang suot nitong isang puting spaghetti strap,kitang kita ang hubog ng kanyang katawan at ang ganda nito.

Napakaamo nitong tignan at napaka-inosente ng kanyang dating.

Sa kabilang banda naman ay labis na galit ang pilit na pinipigilan ni Azriel.

Lahat kasi ng mga kalalakihan ay sa kanyang asawa nakatingin.

At mas lalo itong nakaramdam ng galit ng makita niya ang kanyang Half brother na si Leon na iba ang tingin ibinigay sa kanyang asawa.




Mas lalo niya itong dinikit sa kanyang katawan,at pasimpleng itinatago.

"Azreil wala na akong makita."rinig niyang reklamo ng kanyang asawa.

"I'm sorry baby,"tumawang saad niya bago patakan ng halik sa noo ang kanyang asawa.












Enjoy Reading❤️






MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon