Chapter 82

207 13 2
                                    

LUDO POV

"Saan naman kaya kami pupunta?

Tanong ko sa isip habang nagmamasid sa labas ng bintana ng sasakyan.

Napatingin ako sa driverseat kung saan nagmamaneho ang walang emosyong mukha ni Alejandro.At sa aking tabi ay ang abalang si Azriel.

Abala ito sa pagtatype sa kanyang laptop kaya napakatahimik sa loob ng sasakyan.

Naninibago ako sa kanilang kinikilos.

Pagkatapos kase nilang mag-usap sandali ni Eros ay inaya niya si Azriel sa isang pribadong silid.

May mahalaga daw itong sasabihin.

Mahigit isang oras din silang nag-usap at pagkatapos noon ay biglang nag-iba ang awra ni Azriel.

Tila naging mabangis na hayop ito.











Flashback

Hindi ako mapalagay sa aking kinauupuan.

Mahigit isang oras na kasing nagpaalam si Eros na kakausapin niya si Azriel sa isang pribadong silid.

Wala akong ka ide-ideya kung ano ang kanilang pinag-uusapan.

Paano kung nagkakasakitan na ang dalawa.

"My lady,wag kang mag-alala kay Del Fuego hindi pa naman siya papatayin ng asawa mo."

Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa narinig.

"Puntahan muna kaya sila Alejandro."mahinahon kong saad.

Mas lalo akong kinabahan ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Azriel at sinabayan pa ng isang malakas na kalabog.

Mabuti na ngalang ay nasa loob na ng kanyang silid ang kanyang anak.

"Alejendro"kinakabahan kong tawag sa kanya.

Tumayo ito at walang paalam na umalis sa aking harapan.














Napatayo ako sa aking kinauupuan ng makarinig ako ng yabag ng mga paa papalapit sa aking kinaroroonan.


"Doll"tawag ni Eros sa akin.


Nang lingunin ko ito ay nakahinga ako ng maluwang ng makita kong mukhang  maayos lang ito at walang sugat sa kanyang mukha.

"Eros,anong nangyare?
Ayos kalang ba?Sinaktan kaba niya ulit?

Imbis na sagutin niya ako ay tinawanan lang ako nito.

Dahil sa inis ay pinalo ko ang kanyang braso.

"Anong nakakatawa?nakakunot-noo kong tanong.

"Masaya lang ako doll,kase nag-aalala kapa rin sa akin kahit na wala kana sa aking poder."

"Eros,parte kapa rin ng buhay ko."

Lumapit ako sa kanya at niyakap ito ng mahigpit,tila nagulat ito sa aking ginawa dahil naramdaman ko ang paninigas ng kanyang katawan.

Hindi rin nagtagal ay sinuklian niya ang aking yakap.

"I'm fucking miss you my babydoll"bulong niya sa aking tenga.

"Hmmm..."

Isang malalim na tikhim ang nagpabitaw sa aking pagka-yakap kay Eros.

Bumungad sa akin ang nanlilisik na mga mata ni Azriel,pulang-pula ang mga ito at nakita ko rin ang kanyang mga kamao na punong-puno ng dugo.

Akmang lalapitan ko ito ng pigilan ako ni Eros.

"Hayaan mo muna siya doll,wag ka munang lumapit sa kanya."

Naguguluhan ko itong tinignan at naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

Nang wala na akong marinig sa kanya ay nilingon ko si Azriel,ngunit ang papalayong pigura nalang niya ang aking nasilayan.



End of Flashback

Kung tatanungin niyo kung nasaan si Collan ay nasa poder siya ni Eros.

Nagulat na nga lang ako paggising ko ay wala na ito sa aking tabi.

Ang sabi mg kasambahay ay isinama ito ng kanyang Dada Eros,hindi narin niya ako pinagising.

Ang kasabahay narin ang nagsabi sa akin na may dadaluhan kaming party at siya narin ang nag-abot sa aking susuotin.

Ilang sandali ay nakaramdam ako ng  antok kaya isinandal ko ang ulo sa
bintana at umidlip sandali.














MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon