Chapter 52

541 41 2
                                    

Masyadong mabigat sa pakiramdam na ganito kalapit ang aming mga katawan sa isa't-isa.

Pilit kong inilalayo ang sarili sa kanya,pero kahit na anong gawin ko ay pilit parin niya akong inilalapit sa kanyang katawan.

Buhat-buhat parin ni Azriel si Colan.

Nang tuluyan na kaming nakalabas sa bahay ni Eros ay doon ko lang nakita ang mga tauhan nito.

Pitong mga itim na sasakyan ang mga nakaparada sa harap ng bahay ni Eros.

Marami din akong napansin na mga lalaking nakasuot na kulay itim na damit,malalaki ang mga katawan ng mga ito.

At ang labis kong ikinabahala ay ang hawak nilang mga baril.

"Az-zriel"tawag ko dito.

Todo higpit din ng pagkakahawak ko sa laylayan ng damit niya.

"Don't be scared baby,everything is fine"

"Wala ring mangyayari sa lalaki mo kung tahimik kang sasama sa akin."

Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang malalim at malamig niyang boses.

Inosente ko itong tinignan at dahan-dahan tumango.

"That's my wife"nakangising saad nito.



Dahil sa takot na baka saktan ng mga tauhan ni Azriel ang natutulog na si Eros ay tahimik akong sumunod dito.

Nasa tapat na kami ng isang magarang sasakyan.

Kakaiba itong sasakyan na nasa tapat namin,ito ang pinaka maganda sa lahat.
Bumukas ang pinto nito sa harap at iniluwa ang nakayukong si Alejandro.

"Why took you so long?tanong nito kay Azriel habang inaayos niya ang nagulong damit nito.

Nang mag-angat ito ng tingin ay bigla itong natulala.

Medyo nailang naman ako dahil sa pagkakatitig nito sa akin.
Naputol lang ito ng may biglang nagsalita.

"Aljendro"

"Just remind me later that I will kill you!



"Oh"gulat na saad ni Alejandro.

"I'm sorry My Lady for staring you,nabigla lang ako."yumuko ito at muling sumakay sa sasakyan.




"Possesive,hindi ka naman mahal"


May ibinulong pa ito bago tuluyang naisara ang pinto ng sasakyan.


"Tssskk"


Pinagbukas kami ng pintuan ng isang tauhan niya.

Naunang sumakay si Azriel.

Hawak parin niya ang isa kong kamay,bago ako tuluyang sumakay ay muli kong sinulyapan ang madilim na bahay ni Eros.

Napangiti ako ng tipid,sana nasa maayos na lagay ito.

"Baby"malamig na tawag ni Azriel.



Huminga ako ng malalim bago tuluyang sumakay sa sasakyan nito.









Hanggang sa muli Eros.



















Hello'everyone,sorry po tagal kong hindi nkapg update bc lang po sa work😁😁




Please vote❤️




















MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon