Chapter 8

629 28 5
                                    

LUDO POV

"Dada,your house is very big".namamanghang sinabi ng aking anak,palingon-lingon ito sa paligid habang buhat-buhat ni Eros.

Sa kanyang bahay kami tumuloy napakalaki nito,ang sabi niya  ay dito na kami  maninirahan.

Tumanggi ako sa kanyang alok,na kanyang kinainis.

Kaya habang kumakain ay hindi ako nito pinapansin.
Naisipan na din namin na sa kanyang bahay nalang kami kakain.
Maggagabi narin kasi.

Si Collan lang ang kinakausap nito.

"This is your house too baby."

"Really dada?masayang sinabi ng aking anak.

Tahimik lang akong nakikinig sa dalawa,ng biglang tumunog ang aking telepano.

Si Nay Marta ang tumatawag,mabilis ko itong sinagot.

"Ludo-

May sasabihin pa sana ito ng biglang may nagsalita.

"Marta,natawagan mo naba si Ludo-

Naputol bigla ang sasabihin nito.

Sinubukan ko itong tawagan ngunit hindi ko na ito matawagan kaya napakunot-noo ako.

"Hey,what's wrong?nag-aalalang tanong ni Eros.

Inosente ko itong tinignan.

"Si nay marta tumawag,kaso pinatay niya ng marinig ko ang boses ni ina."hindi parin nawawala ang pagkunot ko sa noo.

"Maybe she's awake."sinabi nito at mabilis na inalis ang tingin sa akin.

Mukhang may tampo pa ito sa akin.

"Eros,maari bang bukas ay umuwi na kami sa nayon."

Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamao.

"Is that what you want?malamig na tanong nito.

Ang anak kong si Collan ay abala sa kanyang pagkain,kaya naman wala itong alam sa tensyon na nagaganap sa pagitan naming dalawa ni Eros.

"Hmmmm....kung maaari,kailangan ako ni ina,matagal na panahon kona din siyang hindi nakakasama."

Bumuntong hininga muna ito bago sumagot.

"K"mabilis itong tumayo at umalis ng walang paalam.

Nagtatakang tumingin ang aking anak.

"What happened momma?

Bago ko masagot ang tanong ng aking anak ay may isang kasambahay ang lumapit sa akin.


"Magandang gabi po,ako po si berta kasambay po ako dito."nakangiting pakilala nito sa akin.

"Ako na po ang maghahatid sa inyo sa kwartong tutuluyan niyo."pagpapatuloy nito.

"Si Eros."mahinang tanong ko dito.

"Umalis lang po sandali si sir Eros maam."

Hindi na ako muling nagtanong dito.

Nang matapos ng kumain ang aking anak ay inaya ko na itong magpahinga.





MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon