Chapter 12

607 27 8
                                    

LUDO POV

Habang masaya silang nagkukwentuhan ay nagpaalam muna ako saglit upang magpunta sa dating silid.

Hindi parin nagbabago ang ayos nito.

Ang sabi ni ina ay wala itong ginalaw at hindi niya pinabago dahil ito nalang daw ang nagsisilbing alaala ko.

   Naiisipan ko na ding ayusin ang mga damit at gamit naming mag-ina.

Abala ako sa pag-aayos ng aming mga  damit ng may kumatok sa pintuan.

Tumayo ako upang pagbuksan ito.

Bumungad sa akin ang  nakangiting si Eros,pero makikita ang lungkot sa mga mata nito.

Inilagay ko ang dalawang palad ko sa kanyang mukha.

"Okay ka lang ba Eros? nag-aalalng tanong ko dito.

Pumikit ito at hinawakan ang aking magkabilang kamay.

"Yeah my doll,i'm ok now."

Alam kong pilit lang ang mga ngiting ipinapakita nito sa akin.

Kahit hindi nito sabihin sa akin ay alam kong nalulungkot ito.

Sa ilan taong namin pagsasama sa iisang bahay ay alam kona na may malaki itong pinoproblema.




"My father call me,may malaking kinakaharap ang aming kumpanya."

Natahimik ako sa aking narinig,dahil alam ko sa sarili ko na wala akong maibibigay na tulong sa kanya.

Nakaramdam ako ng lungkot,naluluha ko itong tinignan.

"Psssttt.....don'y cry my doll,it's okay maayos ko ito."mahinahon nitong sinabi sa akin habang pilit na inaalis ang mga luhang nagbabagsakan sa aking pisngi.

"A-ang dami mong t-tulong na naibigay sa akin Eros,hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang mga iyon."iniwasan kong tumingin sa mga mata nito habang nagsasalita.

Ayokong nakikita ang malungkot na mukha nito.

"Hey, my doll..wag mong isipin ang mga iyon,ang makita at makasama ko kayo ni Collan ay sapat na."

"Alam mo ba  kung bakit ako nalulungkot?

Kunot-noo ko itong tinignan habang naghihintay sa susunod nitong sasabihin.

"Dahil natatakot ako na baka isang araw ay kuhanin kayo sa akin ng tunay na ama ni Collan,hindi ko kakayanin iyon."

Hinalikan nito ang aking noo at pinagdikit ang mga ito.

"Hindi ko kaya my baby doll, i will be selfish para sa inyo na buhay ko."

"Hindi ka namin iiwan,pangako ko sayo Eros,mananatili kami sa iyong tabi."



"Promise me my doll,kahit anong mangyari mananatili kayo sa tabi ko,kayo ang dahilan kung bakit naging makulay ang madilim kong buhay."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinaka-titigan ako nito.

"Pangako."mahinang sagot ko dito.


"Momma.....mommaaa...I can't see dada."

Natigil lang kami sa aming drama ng marinig namin ang malakas na boses ng aking anak.

"Where is he?

Tanong nito sa akin ng makapasok na ito sa aking silid.


"I'm here big boy".nakangiting bungad ni Eros kay Collan.

Binuhat nito ang aking anak  at pinagkikiliti.

Malakas na tawa  ng aking anak ang namutawi sa loob  ng aking maliit na silid.

MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon