Chapter 64

506 25 9
                                    

LUDO POV

"And she is my wife little monkey."

Sumasakit ang ulo ko sa dalawa.

"Tumigil kayong dalawa,papakainin  ko muna si Collan."mahinahon kong saad.

"Youre mother needs rest,I will feed you."

"No,I only want my momma."

"But-

Pinutol ko na ang kanilang bangayan ng buhatin ko ang aking anak.

Napangiwi ako dahil sa sakit na naramdaman sa maselang mabagi ng aking katawan.

"Fuck" bulalas ni Azriel.

Pasimpleng nilabas ni Collan ang kanyang dila para lalong inisin ito.


-------

Tiniis ko ang sakit ng aking katawan,ipinagluto ko ng siningang na baboy ang aking anak.

Hindi ko alam kung anong oras tumigil si Azriel sa pag-angkin sa aking katawan.

Paggising ko ay narito na kami sa kanyang mala palasyong bahay.

Sa sobrang pagod ay hindi ko na namalayan ang mga nangyari.

Ganadong kumakain sa aking harapan ang aking anak,habang masama naman nakatingin dito si Azriel.

Gusto niyang ipagluto ko ito ng adobo ngunit kumontra ang aking anak.

Sinigang na baboy daw ang kanyang paborito at gustong ulamin ngayong gabi.

At parang kakaibang Azriel ang nasa harapan namin ngayon,para itong bata na ewan.

"Hmmm....your sinigang na baboy is really good momma."nakangiting saad ni Collan  habang subo pa ang kutsara sa bibig.

"I'm sure dada Eros misses it too."biglang tumamlay ang boses nito ng binanggit ang pangalan ni Eros.

Mabilis nalipat ang aming atensyon kay Azriel ng pabagsak niyang bitawan ang hawak niyang kubyertos.

Ang iritableng mukha niya kanina ay napalitan ng madilim at malamig na awra.

"Don't mention that man's name again!

Nagulat si Collan sa biglang pagsigaw ni Azriel kaya mabilis itong bumaba s kanyang inuupuan at nagsumiksik sa akin.

"Azriel"galit kong suway sa kanya.

"What!galit din niyang sagot.

"Momma.....i want dada...i miss my dada eros momma..."umiiyak na saad ng aking anak.

Mariin na nakatingin dito si Azriel,ikinuyom niya ang kanyang mga kamay sa itaas ng mesa at kita dito ang paglabas ng kanyang mga ugat.

"I said don't mention that man's name little monkey,"malumanay na ang boses niya pero ramdam mo ang pagpipigil nang galit nito.

"No,momma...uwi na tayo."nagsalita na ito ng tagalog isa lang din ang ibig sabihin nito,nakakaramdam na ito ng pagkainis.

"Sssshhh....tahan na baby ko,Oo uuwi na tayo."

Padabog na tumayo si Azriel at mariin itong nakatingin sa akin.

"Hindi ka aalis,walang aalis sa inyong dalawa!

Binuhat ko sa aking mga bisig ang aking anak,patuloy parin ito sa pag-iyak.

"Nakuha muna ang gusto mo Mister,kaya maaari na kaming umalis ng aking anak.",kumunot ang noo niya sa narinig at nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Hindi ako ang iyong asawa kaya hindi mo ako maaring angkinin,ang totoo mong asawa ay si Mira hindi ako"parang may nagbara sa aking lalamunan ng bigkasin ko ang mga salitang 'yon.

"Kaya pakiusap palayain muna ako,pauwiin muna ako kami ng anak ko,may naghihintay sa amin at alam kong nag-aalala na siya sa amin ng anak ko."

May tumulong mga luha sa aking mga mata ng biglang sumagi sa aking isipan ang mukhang nag-aalala ni Eros.















MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon