Chapter 54

534 32 6
                                    

LUDO POV

Napadilat ako dahil sa sinag ng araw na dumapo sa pisngi ko.

Naghikab pa ako dahil dinalaw parin ako ng antok.

Tatayo na sana ako ng mapansing wala si Collan sa aking tabi.

Linibot ko ang paningin sa paligid.

Doon ko lang din napansin na hindi ito ang aming silid.

May mahabang sofa na nasa gitna ng silid.

Tila isa itong malaking living room.May malapad na flat screen tv sa may kanang bahagi samantalang sa kaliwang bahagi naman ay may panibagong pintuan.

Malaki ang kurtina na nas harapan namin na alam kong tinatakpan lang ang salaming dingdig.

Mabilis akong tumayo nang maalala ko ang nangyari kagabi.

Si Azriel at ang mga tauhan nito.

Ang pagpunta nila sa bahay ni Eros at ang sapilitang pagsama niya sa akin kasama ang natutulog kong anak.

Dali-dali akong tumakbo palabas ng silid ng maalala ko ang aking anak.

Hindi na ako nag-abalang pang ilibot ang paningin sa paligid.

Binaliwala ko din ang mga kasambahay na aking nakakasalubong.

Pagkababa ko sa mataas na hagdan ay nagpalinga-linga ako sa paligid,ngunit bigo akong makita ito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may nakasalubong ulit akong mga kasambahay.

Magtatanong sana ako ng bigla silang yumuko sa aking harapan at nagmamadaling umalis.

Babalik na sana ako sa taas upang magtanong sa ibang kasambahay na aking nakita nang may naririnig akong dalawang taong nag-uusap.

Sa boses palang ng bata ay alam kong ito ang aking anak.

"Why are we here at your house mister?inosenteng tanong ng aking anak.

"This is your house too"malamig na sagot naman ng kanyang kausap walang iba kundi ang ama nito.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanilang kinaroroonan.

Napasinghap ako sa nakita.

Si Azriel ay buhat buhat si Collan.

"Mommaa"masayang tawag ng aking anak pagkakita niya sa akin.

Inilahad din nito ang kanyang mga kamay sa akin.

"Baby ko"dali-dali ko itong inaagaw sa nakatulalang si Azriel.

Pagkabuhat ko dito ay yumakap ito sa aking leeg.

Niyakap ko din siya ng mahigpit.

Ramdam ko ang titig nito sa amin.

"Momma why are we at your boss's house?tanong nito sa akin.

"She is my wife that's why she is here"balewalang sinagot nito.

Napatingin ako sa kanya.

"Momma is he telling the truth?

"Hi-hindi wa-wala akong a-asawang unggoy".dahil sa pagkataranta ay iba ang aking nasabi.

"Dada Eros is momma's husband"

"No!!I am her husband!mariin na pagkakasabi nito.

Nakipagtitigan pa ito ng masama sa aking anak.

Parehas silang masamang nakatingin sa isa't isa.

"No,your not!

"Yes,little monkey i'm your momma's husband."nakangisi nitong saad.

Tumingin ito sa akin at nakaramdam ako ng kaunting takot ng makita ang abong mga mata nitong nag-aalab sa galit.

Lumapit siya sa akin napaatras ako bigla sa magkahalong kaba at pagkagulat.

Akala ko kung anong gagawin niya.

Gusto lang pala niyang buhatin si Collan.

"Let's eat first,the breakfast is ready"mariin at malamig na saad nito.

Nauna na itong naglakad sa akin habang nasa bisig niya ang nakabusangot na si Collan.


















Hello guys❤️sorry po kung now lang agad ako ng update mejo bc lng sa store daming ginagawa'pasensya na po❤️🤗

Please vote❤️






























MAFIA OBSSESION (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon